Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang mga klase ng sabaw ng iba't ibang probinsya, muling ibibida sa 'Pinas Sarap'


#PSSoupOfTheYear
December 27, 2018

Malamig ang panahon tuwing Pasko at bagong taon kaya naman karamihan sa atin naghahanap ng mainit na sabaw. Bukod sa nakapagpapainit ito ng tiyan, nakabubusog at nakagiginhawa pa ng pakiramdam. Bago matapos ang taon, samahan si Kara David muling tikman ang mga soup dish na naitampok natin ngayong 2018.


 

Masarap humigop ng mainit na sabaw, pero masarap din itong ipartner sa kanin. Gaya na lamang ng soup dish na Sutsa ng Quezon na pinasarap ng kombinasyon ng karne ng baboy at luya. Sa Tarlac, kambing naman ang karneng ginamit sa maasim na sabaw, ang sinampalukang ulo at paa ng kambing. Hindi naman magpapahuli sa linamnam ang Chicken binakol ng Iloilo na ang sabaw pinasarap ng buko. At dahil mayaman sa seashells ang Cavite, Tinolang talaba ang ibinibida nilang soup dish.


 

Kapag ang sabaw sinamahan mo ng noodles, full meal na ang katumbas. Muli nating lalantakan ang mga noodle soup dish na dinayo pa natin sa iba’t ibang probinsiya gaya ng Lomi ng Lipa Batangas, La Paz Batchoy ng Iloilo, Miki Niladit at Sinanta ng Cagayan at ang Almondigas ng Cavite.


 

Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap, tuwing Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!

ENGLISH



Christmas season usually bring cold weather that makes us want to drink hot soup. Aside from the warmth it gives, it also provides relief to our body. Before the year ends, join Kara David as she shares her experience in trying out various soup dishes this 2018.

Soup can be partnered with rice like the soup dish called Sutsa of Quezon, it is a combination of pork meat and ginger. In Tarlac, they mix their sour soup using tamarind and head and feet of goat. Iloilo has chicken binakol soup that is combined with coconut meat. While, Cavite who is abundant in seashells, have tinolang talaba as their popular soup dish.

If you prefer soup noodles, you may want to try various noodle soup from different provinces like Lomi of Lipa, Batangas, La Paz Batchoy of Iloilo, Miki Niladit and Sinanta of Cagayan, and Almondigas of Cavite.

Please watch the yummiest food program on television, Pinas Sarap, this Thursday, 10:15pm on GMA News TV channel 11!

Tags: soup, food, pinassarap