Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Matatamis na Pinoy kakanin, titikman sa 'Pinas Sarap!'


#PSKakanin
October 11, 2018

Ngayong Huwebes, samahan si Kara David magpakabusog sa mga pagkaing malagkit, matamis, may iba’t ibang hugis at nag-uumapaw pa sa toppings, ang mga Pinoy kakanin!

Nagmula ang kakanin sa salitang “kain” at “kanin” dahil ang pangunahing sangkap nito ay malagkit na bigas o kaya naman ay galapong na gawa naman sa giniling na malagkit na bigas. Sa dami ng ating kakanin, ang pinaka agaw pansin daw sa mga ito, walang iba kundi ang makulay na sapin-sapin. Ube, dilaw at puti ang kadalasang kulay ng mga layer ng sapin-sapin na sumisimbolo sa mga produktong mayaman ang Pilipinas, ang ube, buko at langka.
Pero kung pinakasikat na kakanin naman ang pag-uusapan, puto ang mangunguna sa listahan. Karaniwang may toppings ito na itlog na maalat o kaya naman ay keso. Pero mas nakilala ang puto bilang kapares ng Dinuguan. Tila kakambal namang kakanin ng puto ang kutsinta. Pero kaiba sa puto na tila sponge cake ang texture, tila jelly naman ang texture ng kutsinta. Karaniwan ding kinadkad na niyog ang toppings nito. Nakasanayan namang merienda ng mga Pilipino tuwing hapon ang kakaning palitaw na pinasarap ng asukal, grated coconut at toasted sesame seeds.
Mas patatamisin namin ang inyong gabi kaya tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!
This thursday, join Kara David as she tries out different Pinoy sweet sticky rice presented in various shapes and loaded with delectable toppings.

Kakanin or Sticky rice is derived from the Filipino words “kain” or to eat and “kanin” or rice, because its primary ingredient is sticky rice or rice flour. In the wide variety of the kinds of sticky rice, one of the visually appealing is the colourful sapin-sapin. It is usually in layered purple, yellow and white in color that represents the products abundant in the Philippines which are purple yam, coconut and jack fruit.

The most popular sticky rice is the puto or rice cake. It is usually topped with salted eggs, or cheese. But it rice cake is more popular when partnered with dinuguan. Another variant of sticky rice is kutsinta . But Kutsinta has a jelly texture as compared to rice cake that is more like sponge cake. While palitaw is the usual snack of most Filipinos that is topped with sugar, grated coconut and toasted sesame seeds.

Do not miss our foodtrip this Thursday, ten o’clock in the evening, in the yummiest food program on television, Pinas Sarap!