Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Iba't ibang luto ng alimango, alimasag at talangka, bibida sa 'Pinas Sarap!'


Hanap niyo ba’y mga espesyal na ulam na sa itsura pa lang kahit sino siguradong gaganahan? Mga putaheng nanunuot  ang sarap hanggang sa kasipit-sipitan? Ngayong Huwebes samahan si Kara David sa isa na namang simut-sarap na adventure! Crab overload tayo ngayon mga Kapuso dahil iba’t-ibang putaheng pinasarap ng alimasag, alimango at talangka ang ating lalantakan!

Ang mga higanteng alimango o mudcrabs, nabubuhay at nagpaparami sa mga brackish water o pinaghalong tubig alat at tubig tabang. Karaniwang lumalaki ang mga ito ng hanggang mahigit kalahating kilo ang bigat. Hindi raw dapat palagpasin ang mga espesyal na ulam na gawa dito gaya ng Crab with honey garlic, crab with sweet chili sauce, kalderetang alimango, suam na alimango, at lelut ema.
Kumpara sa alimango, mas maliit ang alimasag. Nahuhuli naman ang mga ito sa dagat. May iba’t ibang klase ng alimasag ang mahuhuli sa Pilipinas tulad ng Curacha ng Zamboanga, blue crabs ng Negros at onse-onse crab ng Zambales. Bawat klase may special recipe, ang curacha in alavar sauce, deviled onse-onse at kare-kareng kasag.
‘Di hamak na mas maliit man ang talangka kumpara sa alimango at alimasag, hindi naman ito magpapahuli sa sarap. Mayaman kasi ito sa taba o aligue na nagpapasarap sa mga lutuin gaya ng aligue rice, aligue pasta, aligue sushi at pinakbet with taba ng talangka.
Huwag nang magpapaiwan sa foodtrip natin. Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap  ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!
 

Are you looking for special dishes that are visually appetizing? Dishes that is really delicious up to the claws? This Thursday, join Kara David in another food adventure. It’s a crab overload day because of the various yummy crab dishes.

The giant or mudcrabs live in brackish water or a mixture of sea and fresh water. They usually grow to up to more than half a kilo in weight. The must try are the Crab with honey garlic, crab with sweet chili sauce, crab kaldereta, alimango suam and lelut ema.

Compare to mudcrabs, crabs are caught in the sea are smaller in size. There are various kinds of crabs in the Philippines like Curacha in Zamboanga, blue crabs in Negros and onse-onse crabs in Zambales. Each species has a special recipe, like curacha in alavar sauce, deviled onse-onse and kasag kare kare.

Freshwater crabs are the smallest, but when it comes to taste, they are at par with bigger crabs. This is because it is rich in aligue or crab fat that gives rich flavour to dishes like rice aligue, pasta aligue, sushi aligue and pinakbet with crab fat.

Do not miss our foodtrip this Thursday, ten o’clock in the evening, in the yummiest food program on television, Pinas Sarap!