Mga pagkaing ‘Pinas Sarap’ ng buko, ihahain ngayong Huwebes
Sa dami ng mga produktong nagagawa mula sa mga dahon, bunga at katawan, binansagang “tree of life” ang puno ng niyog. Pero alam niyo bang bukod sa mga kagamitan, ang iba’t ibang parte ng punong ito, sangkap din sa paborito nating pagkain? Ngayong Huwebes, samahan si Kara David tikman ang mga putaheng pinasarap ng buko at niyog.
Saan ka man mapadpad sa Pilipinas, maraming puno ng niyog na nakatanim. Kaya ang bawat probinsiya may ipinagmamalaking buko dish. Sa San Pablo, Laguna, ibinibida ang pancit na pinalinamnam ng laman ng buko, ang pancit kalabuko. Pinais naman ang banner buko dish ng probinsiya ng Quezon. Mas gagaan naman daw ang inyong pakiramdam kapag humigop ng sikat na soup dish with buko ng mga Ilonggo, ang chicken binakol. Pero alam niyo ba mga Kapuso na ang paborito nating sinigang, pwede pang pasarapin ng buko meat at buko juice?
Madalas nating matikman ang ubod ng niyog sa tuwing kumakain ng lumpiang sariwa o lumpiang gulay. Pero kung gusto niyo ng iba pang putahe na may ubod ng niyog, pwedeng subukan ang ubod sa tahure at ubod sisig!
Pagdating sa dessert, hindi rin pahuhuli ang buko. Sa katunayan, ang buko pie, isa sa paboritong ipasalubong nating mga Pilipino. Sigurado namang mapapangiti kayo ng matamis kapag natikman din ang ang macapuno balls!
Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!
English version:
There are many products made from the leaves, fruit and trunk of coconut, that’s why they call it “tree of life”. But do you know that aside from its many uses, the different parts of this tree can be part of our favourite dish? This Thursday, join Kara David as she tries out dishes with coconut.
Everywhere you go in the Philippines, you will see coconut trees. That’s why every province has their own coconut dish. In San Pablo, Laguna they have noodles with coconut called pancit kalabuko. Pinais is the banner coconut dish of Quezon province. You will feel refreshed once you sip Ilonggo’s coconut soup dish called chicken binakol. But do you know that our favourite dish sinigang can taste good when you add coconut meat and juice?
We often taste coconut pulp in fresh lumpia or spring rolls. If you want other dishes with coconut pulp, you can try ubod sa tahure and ubod sisig.
When it comes to dessert, coconut is popular. In fact, buko (coconut) pie is the favourite present from trip of Filipinos. You will also smile when your try out macapuno balls.
Please watch the yummiest food program on television, Pinas Sarap, Thursday 10:15pm on GMA News TV channel 11!