Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Special comfort food ngayong tag-ulan, ihahain sa 'Pinas Sarap'


 

Masarap matulog tuwing umuulan. Pero bukod dito, ano pa ba ang masarap gawin? Walang iba kundi ang kumain!

Tuwing malamig at maulan na panahon, paborito nating mga Pinoy ang humigop ng mami. Bukod sa mainit nitong sabaw, nag-uumapaw pa ito sa noodles at sahog na manok, baboy o baka. Samahan si Kara David alamin kung kelan unang inihain ang noodle soup na ito at kung paano ito nakahiligan ng mga Pilipino

 

 

Pero kung pasarapan ng noodle soup ang pag-uusapan, may pambato rin ang mga Batangueno… ang noodle soup nila na may malapot na sabaw- ang Lomi! Hindi lang daw ito nagpapainit ng tiyan, nakabubusog pa at nakagiginhawa ng pakiramdam.

 

 


 

Ang lugaw at goto na ating paborito, naglevel-up. Dahil ang lugaw at ulam, combined in one dish na ngayon. Nakatikim na ba kayo ng bulalugaw at kaldelugaw? Eh ng arroz palabok at ng bicol express lugaw?
 

 

Hihigop tayo ng maiinit na sabaw at magpapakabusog sa mga kinalakhan nating Filipino comfort foods kaya tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap  ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!

 

 


 

English version:

The rainy days make us want to just sleep and eat comfort foods.

During cold and rainy season, Pinoys like sipping hot mami. We crave for its hot soup, overflowing noodles, and chicken, pork or beef ingredients. Join Kara David in discovering the origin of the noodle soup and how this became one of Pinoy’s favourite soups. 

Our goto or porridge has a level up version, it is mixed with our favourite dishes. Have you tried bulalugaw and kaldelugaw? Or arroz palabok and bicol express lugaw?

Let us altogether sip a hot soup and be filled in the comfort foods that we serve in the yummiest food program on television, Pinas Sarap, Thursday 10:15pm on GMA News TV channel 11!