Sinarapan, ihahain sa 'Pinas Sarap'
Sa mga malalamig na lawa ng kabikulan, may mga munting isdang mahuhuli. Pero kahit maliliit, malaking biyaya naman daw ang hatid nito sa mga makakahuli! Sa pangalan pa lang, makikiliti na ang iyong panlasa sa natatangi nitong linamnam. Halina’t tikman ang munting isdang ipinagmamalaki ng mga Uragon --- ang sinarapan!
Ang mga bagong huling Sinarapan, pinipigaan lang daw ng kalamansi para ikilaw, instant ulam na para sa mga mangingisda! Malambot at malinamnam daw ang Sinarapan na endemic sa Lake Buhi at iba pang lawa sa Bicol Region. Ibig sabihin sa buong mundo dito lang ito matatagpuan. Kaya naman ang mga Uragon ipinagmamalaki ang malinamnam na Sinarapan na kinilala rin ng Guinness Book of World Records bilang smallest edible fish.
Pero bukod sa kinilaw, marami pang ibang luto sa isdang ito gaya ng Ginataang Sinarapan at Pinangat kung saan pinagsama-sama ang mga sangkap na tatak Bicol gaya ng sili at gata ng niyog. Kung gusto mo naman ng kakaibang sisig, meron din silang sinarapan version nito.
Dahil sa dami ng puwedeng iluto sa Sinarapan, noong 2005 ipinagdiwang ang kauna-unahang Sinarapan Festival. Ngayong taon, bahagi ng fiesta ang Sinarapan Cookfest kung saan maglalaban ang ibat ibang kalahok sa pasarapan ng luto sa sinarapan.
Mapapalaban naman sa isang cooking challenge si Kara. Sabay silang magluluto ng homecook na si Nanay Basyon. Pero ang malaking hamon, gagayahin ni Kara ang specialty ni nanay basyon na pakikinggan lang ang kanyang instruction. Swak kaya o ligwak sa panlasa ang niluto niyang Bola-bolang Sinarapan?
Tutok na sa sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!
English version:
In the river of Bicol region, small fishes are caught. Even though small, it serves as blessing to the fishermen. The name alone, will give you a hint of how yummy this fish is. Join us as we get to know the smallest fish, and the pride of the people of Bicol- the sinarapan fish.
The freshly caught sinarapan fish is squeezed with kalamansi or most commonly called kinilaw dish, can already be eaten by the fishermen. Soft and tasteful, this is how people describe the small fish that is endemic in Lake Buhi and other rivers in the Bicol region. Sinarapan fish is even recognized in the Guinness Book of World Records as the smallest edible fish.
Aside from kinilaw, there are other ways to cook the fish like ginataan or coconut milk based Sinarapan and pinangat wherein the flavors of Bicol are combined like chili and coconut milk. They also have sisig version of sinarapan.
Because of the various ways of preparing sinarapan fish, in 2005 the first Sinarapan Festival was celebrated. This year, part of the fiesta is the Sinarapan Cookfest wherein people will compete for the best sinarapan dish.
Kara will be faced in a cooking challenge as she cooks along with Nanay Basyon. The biggest challenge is Kara will mirror Nanay Basyon’s specialty by only listening to her instruction. Would Kara pass or fail in cooking Bola-bolang Sinarapan?
Watch the yummiest program on television, Pinas Sarap this Thursday, 10:15pm on GMA News TV Channel 11!