Mga pagkain ng katutubong Pinoy, ihahain sa 'Pinas Sarap'
Alam niyo ba na ang ilang pagkaing karaniwang inihahain sa mga restaurant, ang original version, nagmula sa lutuing katutubo? Ngayong Huwebes, samahan si Kara David sadyain ang mga Aeta community sa Tarlac at Bataan para tikman ang masasarap nilang pagkain na ang pangunahing sangkap, nagmula sa kagubatan at kabundukan.
Isa sa mga unang grupo ng katutubong nanirahan sa Pilipinas ang mga Aeta. Bago pa raw tayo sakupin ng mga dayuhan at impluwensiyahan ng kanilang kultura sa pagluluto, maasim ang orihinal na panlasang Pilipino. Sagana kasi ang Pilipinas sa mga halamang pang-asim gaya ng kalibangbang. Kaya karamihan ng mga lutuin ng mga Aeta, may kalibangbang. Ito kasi ang kanilang pampalasa.
Bukod sa kalibangbang, may isa pang sikreto kung bakit masarap ang mga pagkain ng mga Aeta, nasa paraan ito ng kanilang pagluluto – ang binulo o tradisyunal na paraan ng pagluluto sa buho ng kawayan. Sa dami ng pagkaing nakahain, tila fiesta ang ilan sa pagkaing ipatitikim ng mga Aeta kay Kara ang Nilaiyawang Manok, Pako Salad, Apong-apong Vegetable dish, Puso ng Saging Sisig at Kinalibangbang na Tugak!
Maging ang Spanish Chef na si Jose Luis Gonzalez na may-ari ng Gallery Vask na isa sa 50 best restaurants in Asia, napahanga sa sarap ng mga pagkaing katutubo. Noong 2014, binisita niya ang isang Aeta community para pag-aralan ang tradisyunal nilang pagluluto sa buho at paggamit ng dahon ng kalibangbang. Ngayon, kasama na sa specialty ng kanyang restaurant ang “Binulo” na isang pork soup at “Spicy Kalibangbang” na deep fried version ng binulo.
Samahan si Kara na tikman ang mga lutuing katutubo, sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!
English version:
Do you know that some of the dishes on the menu of some of the best restaurants around originally came from the indigenous people? This Thursday, join Kara David as she travels to the Aeta communities in Tarlac and Bataan to try some of their original concoctions made from ingredients found in the surrounding forests.
One of the first groups of indigenous people that lived in the Philippines were the Aetas. Before we were even colonized by the foreigners and acquired their influences in cooking, sour was our taste of choice. The Philippines is rich in plants and trees like the kalibangbang whose leaves are added to soups and stocks to give it that distinct sour taste. Which explains why most Aeta dishes have kalibangbang in it.
Aside from kalibangbang, there’s another secret to why Aeta dishes taste so good -- it is the method employed in cooking them! the traditional way of preparing Aeta food is cooking them in fresh bamboo stalks , or binulo. Kara was welcomed with a feast by the Aetas who prepared for her their nilaiyawang manok, pako salad, apong-apong vegetable dish, puso ng saging sisig and kinalibangbang na tugak.
Even Spanish Chef Jose Luis Gonzalez who owns Gallery Vask, named one of the 50 best restaurants in Asia, was impressed when in 2014, he visited the Aeta community in order to learn the traditional way of cooking with kinalibangbang and in binulos. Today, “binulo” or pork soup and “spicy kalibangbang” or a deep fried version of binulo have earned their place on his restaurant's menu.
Join Kara in tasting Aeta fare in the yummiest program on TV Pinas Sarap, Thursdays, 10:15pm on GMA News TV channel 11!