Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga pampainit na sabaw ng Batangas, ihahain sa 'Pinas Sarap' 


 

 

Tag-ulan na naman at tuwing malamig ang panahon, hindi ba’t masarap humigop ng mainit na sabaw? Eh saan pa nga ba ‘da best’ mag foodtrip tuwing malamig? Ala eh, tara na’t humigop ng mainit na sabaw sa Batangas!

 


Isa sa paboritong sabaw nating mga Pilipino ang Bulalo Soup. Gawa ito sa biyas o mabutong parte ng ng baka, ang bulalo o beef shank sa English. Simple lang ang sangkap ng bulalo soup pero ang sikreto nasa paraan ng pagluluto. Ilang oras kasing pakukuluan ang bulalo para lumambot ang karne at lumabas ang katas nito na nagbibigay linamnam sa sabaw.

 

 


Sa Batangas matitikman ang pinakamasarap na Bulalo soup. Dito kasi matatagpuan ang ilan sa pinakamalalaking cattle farm sa bansa kaya naman siguradong fresh ang sangkap na baka sa bulalo . Sa bayan ng Padre Garcia na tinaguriang Cattle Trading Capital of the Philippines, nakilala ni Kara David ang magsasakang si Tatay Ben. Bukod sa pagtuturo sa tamang pag-aalaga ng baka, ipatitikim din kay Kara ni Tatay Ben ang kanyang traditional recipe ng Bulalo.

 


Isang restaurant naman ang naghahain ng bulalo sa mahigit tatlumpung paraan, ang Bulalo Capital. Ilan sa bersyon nila ng bulalo na mabili sa mga parokyano, ang manamis-namis na Inubehang Bulalo, ang nagngangalit sa anghang na Dragon Bulalo at ang bulalo na may Korean twist, ang Kimchi Bulalo.
Para naman sa mas adventurous sa pagkain, tikman na ang Gotong Batangas. Gawa ito sa lamang loob ng baka. Pero ‘di tulad ng gotong nakasanayan ng karamihan, wala itong halong kanin o malagkit na bigas.

At kung gusto mo naman lalong mag-init ang iyong pakiramdam, humigop na ng Soup Number 5. Ang pangunahin nitong sangkap--- ari ng baka! Naniniwala ang karamihan na ang soup number 5 ay isang aphrodisiac.

Chillax lang at humigop ng sabaw ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11 sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap!

English version:
The rainy days and cold weather is the best time to partake of a bowl of steaming hot soup. But do you know where to go for the best-tasting soup there is? Batangas!

If you ask the locals what they think is the best-tasting soup to be had here - chances are they will tell you:  Bulalo.

For those watching their calorie-intake, this might not be a very good choice becase bulalo or beef shank consists mainly of marrow and tendons.

Its preparation is simple enough, just slow-boil the beef shank until the meat all but falls off the bone, the marrow soft enough to be slurped and its juices mix with the broth. Throw in some bok choy, potatoes, corn on the cob, whole peppercorns and fish sauce and you're set.

You can taste the yummiest Bulalo soup in Batangas - home to the biggest cattle farms in the country, that’s why the meat used for Bulalo is always fresh. In the town of Padre Garcia also known as the Cattle Trading Capital of the Philippines, Kara David met a farmer named Tatay Ben. Aside from teaching us the proper way of caring for cattle, he will also give Kara a taste of his traditional bulalo recipe.

Bulalo Capital Restaurant meanwhile serves Bulalo in thirty different ways. Some of their best sellers are Inubehang bulalo, the spicy Dragon Bulalo and Bulalo with a Korean twist called Kimchi Bulalo.

For the adventurous type, they offer their gotong Batangas.  This is made from the innards of  the cow but unlike the traditional goto, their dish does not include rice.

And if you want a unique version that will surely raise your body temperature, there's soup number 5, the main ingredient of which is the bull's testicles. Some believe that this  soup to be an aphrodisiac.

So chill and sip your soup as you watch Pinas Sarap this Thursday, 10:15PM on GMA News TV!

- KVD

Tags: soup, batangas