Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Iba't ibang luto ng Chicharon, bida sa "Pinas Sarap!"


 


Madalas merienda o kaya naman ay pulutan, at isinasahog din sa ulam. Alam niyo na ba ang pagkaing ating lalantakan ngayong Huwebes sa Pinas Sarap? Walang iba kundi ang malutong at maalat-alat na Chicharon!


Kapag chicharon ang pag-uusapan,isang lugar ang agad maiisip, ang Sta. Maria Bulacan na tinaguriang Chicharon Capital of the Philippines! Hile-hilera ang tindahan ng chicharon sa sta. maria dahil nandito ang malalaking pagawaan. Binisita ni Kara David ang pagawaan ng isa sa pinakasikat na chicharon, ang Daboy’s chicharon. Samahan si Kara libutin ang pagawaan para alamin ang proseso ng paggawa ng chicharon.



Ang chicharon pwede na ring panghimagas. Nakakain na ba kayo ng chicharon cake, buching chicharon at chicharon pastillas? Kung healthy chicharon naman ang inyong hanap pwedeng subukan ang tofu chicharon at wheat chicharon.



Alam niyo bang ang chicharon ay naging daan para maging milyonaryo ang isang Pinoy? Pupunta si Kara sa Valenzuela City para alamin ang rags to riches story ng tinaguriang “Chicharon King” na si Rey Lapid. Kung dati inuutusan lamang siya manguha ng balat ng baboy, ngayon meron na siyang isandaang branches ng tindahan ng chicharon.

Tutok na ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11 sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap!