Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Iba't ibang seafood delicacies ng Samar, bida sa 'Pinas Sarap!'


 


Ngayong Huwebes, sa huling yugto ng paglalakbay natin sa probinsiya ng Samar, samahan si Kara David sisirin ang kanilang mayamang karagatan at tikman ang iba’t ibang lutuing Samarnon ng sariwang seafoods.


Sa bayan ng Zumarraga, isang batuhan ang lumilitaw sa gitna ng dagat tuwing low tide. Ang batuhang ito na tila munting isla, pinupuntahan ng mga kababaihan para manguha ng sisi o maliliit na talaba. Sinasamantala nila ang pagkakataon habang mababa pa ang tubig. Nakakapit kasi sa mga batuhan ang sisi o rock oysters. Ang mga nakuhang sisi, pwedeng iluto sa iba’t ibang paraan gaya ng kinilaw na sisi, tinolang sisi at ang kanilang specialty dish na baduyang sisi.

Bukod sa sisi, may isa pang lamang dagat ang ipinagmamalaki ng Samarnon, ang Sarad o pen shell. Nahahawig ito sa tahong pero mas malaki ng sampung beses! Kasama ang mga mangingisda, sisisid si Kara sa Maqueda Bay para manguha ng sarad. Kung mahilig kayo sa adobo pero sawa na sa baboy at manok, subukan ang  ipinagmamalaking Adobong Sarad ng mga Samarnon.



Sa Calbayog City, mapapalaban din si Kara sa kainan.  Dito niya matitikman ang Binukuhang Hipon with Tinapa at Calderetang Alimango. Kapag nasa Catbalogan City ka naman, dapat daw sadyain ang Pahawhawan para malasap ang sarap ng kanilang Tinolang Malasugui o Blue Marlin.



Huwag palagpasin ang huling yugto ng ating Samar foodtrip, ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11 sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap!