Pinoy ice cream na sorbetes, titikman sa 'Pinas Sarap!'
Ngayong summer, dagsa na naman ang mga tao sa beach para magtampisaw sa dagat at maibsan ang init na nararamdaman. Pero may isa pang paraan ang mga Pinoy para magpalamig ngayong tag-init, walang iba kundi ang pagkain ng Pinoy ice cream... ang sorbetes!
Di tulad ng mga kilalang ice cream brand na mabibili sa grocery o supermarket, inilalako ang sorbetes sa makukulay na karitela. Bata man o matanda, pinakahihintay ang tunog ng kalembang, hudyat kasi ito ng pagdaan ng sorbetero sa kanilang lugar.
Tinagurian mang “dirty ice cream” ang sorbetes, malinis naman ito at patok sa panlasang Pilipino. Lalo na ang mangga, ube at keso na karaniwang flavors ng sorbetes. Pero kung ang sorbetes, may kakaibang flavor, gaya ng mga paborito nating ulam na bulalo at kaldereta, titikman mo pa rin ba ang mga ito?
Saan nga ba nagsimula at paano ginagawa ang sorbetes? Yan ang mga tanong na sasagutin ni Kara David ngayong Huwebes 10:15PM sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, ang Pinas Sarap na mapapanood sa GMA News TV Channel 11!