ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Di-mapigilang panghihipo, susuriin sa 'Out of Control'

SI ALING GARE: ANG MALI-MALI
Sabado, December 14, 4pm


Kung anong sigaw, siyang galaw ng 76 na taong gulang na si Margarita Bautista o mas kilala bilang ‘Aling Gare.” Animo’y artista siya sa isang pelikula na ang tanging papel ay gulatin at maging katatawanan. Kapag nagugulat o nabibigla raw kasi si Aling Gare, basta na lang itong magmumura, magsasabi ng kung ano-anong walang katuturan, mananampal, mananapak o di kaya naman ay manghihipo sa maselang bahagi ng katawan ng sinumang katabi niya. Ang karaniwang tawag sa mga tulad niya: mali-mali.
Pero ang pagiging magugulatin niya, simpleng reaksyon lang ba ng katawan o isa nang karamdaman?

Sa Sabado, makikilala ng Out of Control si Aling Gare para malaman kung bakit at paano nga ba siya naging mali-mali. Ano kaya ang epekto nito sa kanyang pamumuhay? Sino itong opisyal ng lokal na pamahalaan na hindi niya sinasadyang mahipuan? At paanong pati ang host na si Rocco Nacino, hindi rin nakaligtas sa bilis ng kamay ni Aling Gare?
Abangan sa Sabado, 4pm sa GMA pagkatapos ng Star Talk.
Tags: plug, outofcontrol
More Videos
Most Popular