Upcycling, tampok ngayong Huwebes sa 'Home Work!'
HOME WORK
EP 15
AIRING: OCT. 29, 2020
#SoloFlight ba, mga Ka-tambahay? Walang problema iyan! Sagot nina Tonipet Gaba at Rovilson Fernandez ang Home Work tuwing Huwebes!
Marami ka bang mga gamit sa bahay na hindi na napakikinabangan? I-upcycle na iyan! Paano nga ba i-transform creatively ang mga lumang gamit at gawin itong muling kapaki-pakinabang?
Alamin kung paano idinisenyo ni Kass ang mga lumang damit ng kanyang yumaong lola. Fashown na fashown na, may sentimental value pa!
Paano naman kaya kinutingting ni Edmark ang luma niyang washing machine para gawing kitchen and bathroom sink na may kasama pang toiletries at dish drainer?
At dahil sa panahon ngayon, hindi puwedeng lumabas nang bahay nang walang proteksyon mula sa virus! Alamin naman sa ka-tambahay nating si Arnold kung paano gumawa ng DIY face shield at face mask mula sa mga lumang bote ng plastic.
Magbabahagi naman ng tips ang ka-tambahay nating si Rembrandt kung paano gumawa ng eggshell fertilizer para sa mga certified plantitos and plantitas!
Sa pagtatapos ng kanilang Achievement Unlocked journey, alamin naman kung ano ang pinaghahandaang sorpresa nina Tonipet at Rovilson! Sino nga ba ang unang makatitikim ng baked goodies at unang tututugan ni Tonipet ng kaniyang ukulele?
Sa panahon ngayon, challenging talaga to stay at HOME but we can always make it WORK! Abangan ang New Normal: Home Work ngayong Huwebes, October 29, 9:15 ng gabi sa GMA News TV.