Senior citizen, gumawa ng e-bike?
HOME WORK
EP 12
AIRING: OCT. 8, 2020
#SoloFlight ba, mga Ka-tambahay? Walang problema iyan! Sagot nina Tonipet Gaba at Rovilson Fernandez ang Home Work tuwing Huwebes!
Ngayong new normal, marami na ang nag-shift to biking! Marami rin ang sinamantala ang quarantine para matutong mag-bike, gaya ni Myrna, na natuto lang mag-bike sa edad na 28.
At dahil limitado ang paglabas ngayong quarantine, ang bike enthusiast na si Nheil, gumawa ng DIY bike roller para makapag-bike exercise pa rin siya, kahit nasa loob lang ng bahay.
Ang senior citizen naman na si Tatay Jojo, ginawang electronic bike ang bisikleta niya para hindi siya mahirapang magpedal kahit na may edad na.
Hiling naman ng Kapuso Reporter at bike enthusiast na si Ivan Mayrina, sana raw ay maging daan ang pagdami ng nagba-bike ngayong pandemic para madagdagan ang ligtas na bike lanes sa bansa.
Bangungot naman para kay May ang #MaskNe o Mask + Acne. Nakuha niya raw ang “maskne” dahil sa araw-araw na pagsuot ng face mask sa trabaho. Ano nga ba ang mga posibleng home remedy rito?
Magbibigay rin ng tips ang Kapuso Reporter na si Bernadette Reyes na nakaranas din na magkaroon ng “maskne.”
Sa panahon ngayon, challenging talaga to stay at HOME but we can always make it WORK! Abangan ang New Normal: Home Work ngayong Huwebes, October 8, 9:15 ng gabi sa GMA News TV.
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us