Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Iba't ibang online raket, alamin ngayong Miyerkules sa Pera-Paraan!


 


PERA PARAAN
July 29, 2020

Ngayong new normal, halos lahat dinadaan online.  Sa episode na ito,  iba’t ibang usaping pera ang pag-uusapan natin kung paano napapatakbo ang buhay ng ilan sa pamamagitan ng online!




NEW NORMAL ESKWELA

Kung hindi nagkaroon ng pandemya, nasa eskuwelahan na dapat ang mga estudyante ngayon, pero dahil hindi pa pwede ang face to face learning, isinusulong ng DEPED ang blended learning, online class at module na ipamimigay sa mga estudyante.  Saan ba makakabili ng murang gadget para sa online classes? At dahil marami nga ang nangangailangan ng laptop, nakitang oportunidad ito ni Chris Navarro para magpa-renta ng mga laptop sa mga teacher o estudyanteng nangangailangan nito.  Online tutorial at pagbebenta ng kimchi naman ang ginagawang hanapbuhay ng private school teacher na si Jenny dahil ang kanyang eskuwelahan at pansamantalang magsasara ngayong pandemya.

ADDITIONAL RAKET




Dahil usong uso ang online business, kanya kanya ang paandar, pagandahan online sellers ng kanilang product shots at food shots! Siyempre kailangan matiyak na kaakit-akit ang mga produkto sa mga customer online. Paano ba makatutulong sa online business yung mga ganitong marketing strategy?  Si EJ Mijares, isang filmmaker, ginagamit niya ngayon ang kanyang talent para matulungan ang mga nagsisimula pa lang mag-onine business.  Sa maliit na halaga, gumagawa siya ng mga video presentation para ang mga produkto ng mga nagnenegosyo, lalong maging mabenta!

PM IS THE KEY




HM? PM SENT…MINE, SIS. Relate much? Alam na alam yan ng mga mahilig bumibili online! Simula nang magkaroon ng community quarantine, marami sa ating mga kababayan ang  nakahanap ng sideline! Sa bawat pagsubok nga naman, minsan, may mga oportunidad na sumusulpot! Isa na riyan ang online selling.  Ito ang nakitang paran ng mag partner na sina Ramil at Raymond para kumita ngayong panahon ng pandemic.  Ang sinimulang 9,000 pesos, ngayon ay kumikita na nang hindi bababa sa 3,000 pesos sa dalawang oras na pagla-live sa isang araw.