Sizzling sisig, titikman sa 'Pinas Sarap!'
Malinamnam na ulam, masarap ding pulutan. Perfect partner daw ito ng beer sa tuwing may kasiyahan. Ngayong Huwebes, samahan si Kara David alamin ang kuwento sa likod ng nakatatakam na Pinoy favourite dish at tinagurian ding “the best pulutan”…ang SISIG!
Karaniwang gawa sa tinadtad na maskara o tenga at mukha ng baboy ang sisig na pinasarap ng kalamansi at iba pang pampalasa. Isa nga sa ipinagmamalaking pagkain ng mga Kapampangan ang sisig. Pero alam niyo bang aksidente lang ang pagkakadiskubre sa lutuing ito ng binansagang ‘Sisig Queen’ na si Aling Lucing?
Nakasanayan na nating ulam o kaya naman ay pulutan ang sisig. Pero paano kung ang paborito nating sisig, pinatamis at ginawang dessert? Titikman mo ba ang gelatin sisig, turon langka sisig at spicy sisig shake?
Tutok na sa pinakamasarap na programa sa telebisyon, at samahan si Kara na tikman at alamin ang kuwento sa likod ng nakakatakam na Sisig, sa Pinas Sarap, ngayong Huwebes 10:15PM sa GMA News TV Channel 11!