Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Peligro ng mga batang nangangalakal ng basura sa Manila Bay, aalamin ng Motorcycle Diaries


Sa mga nakalipas na araw, bumuhos ang matinding ulan sa Metro Manila. Kasabay nito ang pagbayo ng malakas na hangin at paglubog ng ilang komunidad sa tubig baha. Pero sa kabila ng bagsik ng kalikasan, ang ilan nating kababayan hindi tumitigil sa paghahanapbuhay, tulad ng dose anyos na si Jessa.


Kasama ang kanyang nakababatang kapatid at pamangkin, nagtutungo sila Jessa sa tabing dagat para mangalakal. Mas maganda raw mangalakal tuwing maulan at malakas ang alon dahil mas maraming basura ang inaanod sa tabing dagat. Kaya naglalakihan man ang alon sa Manila Bay, walang takot sila Jessa na lumusong sa dagat ng basura makakolekta lang ng bote plastic at bakal. Pero hindi man alintana ng mga bata ang panganib, kakambal ng paglusong nila sa nagtataasang alon ang peligro.

 


Habang nananatili sa kanilang tahanan ang karamihan sa gitna ng masungit na panahon, ang tanging nagsisilbing kanlungan naman ni Juvy ay ang kanyang pedicab. Sa nakalipas na dalawang dekada ito na ang nagsisilbi niyang tahanan. Ito rin ang kanyang transportasyon sa tuwing nangangalakal. Malaking tulong ito lalo pa at siya ay may kapansanan, hirap na kasi siyang maglakad dahil sa kanyang Polio. Kaya naman pinasadya ang pedal ng kanyang pedicab dahil imbes na paa ay kamay ang ginagamit para mapaandar ito.

Samahan si Jay sa isang paglalakbay ng pagsubok at katatagan ngayong Huwebes 10pm sa GMA News TV channel 11, sa New York Festivals World Bronze Medalist, ang Motorcycle Diaries!