Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Starfish at mga residente ng isla ng Olango, tampok sa part 3 ng 'Motorcycle Diaries' Cebu expedition


#cebuexpedition
MOTORCYCLE DIARIES
CEBU EXPEDITION - Part 3
Airing date: November 21, 2013

 
Higit pa nating kikilalanin ang mga residente ng isla ng Olango sa ikatlong yugto ng ating Cebu Expedition. Ating tutuklasin ang kanilang buhay sa ilalim ng dagat sa tuwing sila ay sisisid para lamang kumita.
 
Pangunguha at pagpapatuyo ng kurus-kurus o starfish ang isa sa pangunahing industriya na  inaasahan ng maraming residente sa isla ng olango. Ginagawa kasing décor sa mga aquarium ang mga pinatuyong starfish. Dito nakilala ni Jay ang pamilya Nanoy na umaasa lamang sa pangunguha ng starfish ang ikinabubuhay. Sama-sama silang nangunguha ng kurus-kurus at matapos nila itong patuyuin ay saka naman nila dadalhin sa katabing isla para naman ibenta.


Dahil sa kahirapan maging ang labintatlong taong gulang na si Fredel at nakababata niyang kapatid na si Fred ay gumagawa na rin ng paraan para makatulong sa pamilya.  Pero imbes na pangunguha ng kurus-kurus, panghuhuli naman ng isda gamit ang pana ang kanilang ginagawa. Sa mura nilang edad ay sumisisid na sila sa ilalim ng dagat tuwing umaga at umaahon lamang sila kapag may sapat ng huli para pang-ulam ng pamilya.



Pero tila walang pinipiling edad ang pagtatrabaho kapag kumakalam ang sikmura.  Maging ang sitenta y tres anyos na si Lolo Lope, sumisisid rin sa ilalim ng dagat para mangisda gamit ang pana. Styrofoam lang ang gamit niya tuwing pumapalaot dahil sira ang kanyang bangka. Pero ang mas nakakagulat. putol ang parehas niyang kamay. Kaya ang kanyang pana at iba pang gamit ay improvised. Hanggang ngayon ay nagbabanat pa rin siya ng buto dahil mag-isa na lamang siyang namumuhay.



Tutok na ngayong Huwebes, 10PM sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV channel 11 para sa ikatlong yugto ng ating Cebu Expedition.