Mga kuwento ng bayanihan at mga good vibes gimmick, ngayong Martes sa 'Bright Side'!
MGA KWENTO NG BAYANIHAN, CERTIFIED PAMPASAYA, THE BEST OF GOOD EATS, AT UPDATE SA ACHIEVEMENT UNLOCKED
NGAYONG MARTES SA BRIGHT SIDE SA GMA NEWS TV!
Buhay na buhay ang bayanihan sa gitna ng pandemya. Mula sa mga ordinaryong tao hanggang sa mga iniidolong artista ay nakagawa ng paraaan para makatulong sa kapwa. Naisipan ng Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na gumawa ng food delivery service app na Dingdong PH. Ito ay nabuo para tulungan ang mga nawalan ng trabaho sa showbiz industry. Ginamit naman ng gurong si Sheena ang social media para matulungan ang isang senior citizen na nawalan ng trabaho. Bumuhos ang donasyon matapos mapanood ang video ni Lola Leonila na naglalako ng lumpia. Binalikan ng Bright Side si Lola Leonila matapos maitampok sa programa ang kaniyang kwento.
Sa kabila ng pagsubok na ating kinakaharap ngayon, ang ilan sa atin ay nagagawa pa rin ng paraan para panandaliang makalimot sa mga problema. Sila ay nagbibigay ngiti sa iba ngayong may pandemya. Nariyan ang Pak Gays, ang all-gay group mula sa Valenzuela. Kahit may pandemya ay tuloy ang rampa! Nariyan din ang mga pagkaing may twist tulad ng rainbow pandesal ng Comedy Queen Ai Ai Delas Alas. Nagbigay rin ng ngiti at pag-asa ang diskarte ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas. Ang kanilang negosyo, nag-adapt sa new normal na mula sa catering, ngayon ay ginawa nilang open for delivery ang kanilang food business.
Kukumustahin din ng Bright Side ang newly-engaged couple na sina Juluis at Janine. Alamin ang kanilang wedding preparations. Magbibigay rin ng marriage advice sa dalawa sina Kara at ang kaniyang mister na si LM.
Sa Good Eats, mula agahan hanggang hapunan, sagot na ng Bright Side iyan! Makakasama ni Kara sina Archie Alemania, Gene Padilla, Tetay, at Boobay na siguradong bubusugin kayo hindi lang ng mga putaheng kanilang ihahain kundi pati na rin sa katatawanan.
Mas lalong pinasaya ang mga kwento tuwing Martes sa “BRIGHT SIDE” ng NEW NORMAL: The Survival Guide, hosted by Kara David, 9:15PM sa GMANEWSTV!