Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Bright Side'

Quarantine achievements at tourist spots na muling nagbukas, ngayong Martes sa 'Bright Side'!


 

 

QUARANTINE ACHIEVEMENTS, TOURISM REOPENING, AT MGA KWENTONG AGAINST ALL ODDS

NGAYONG MARTES SA BRIGHT SIDE SA GMA NEWST TV!

Sa kabila ng pandemya, ilang mga Kapuso ang ginagawang makabuluhan ang kanilang lockdown. Alamin ang kanilang nakabibilib na quarantine achievements. Kilala Si Neri Naig bilang dating artista at maybahay ng sikat na bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda. Dahil sa diskarte niya sa negosyo, nakabili siya ng 6,000 square meters na lote. Nakabibilib din ang weight loss journey ni David Gomez. Ibinuhos niya ang kaniyang oras ngayong quarantine para maging fit.

Maraming bagay ang naapektuhan ng pandemya kabilang na ang mga plano at desisyon natin sa buhay. Pero habang karamihan sa atin ay limitado ang mga galaw, tampok sa Bright Side ang ilan na handang hamakin ang lahat para sa kanilang mahal sa buhay. Kilalanin ang bride na si Rosy Babor. Ipinanganak siyang walang mga binti. Pero hindi ito naging hadlang para makapaglakad siya papuntang altar kung saan naghihintay ang groom na si Mario Perez. Walang pandemya ang nakapigil para sa kanilang pag-iisang dibdib. Pagmamahal naman sa pamilya ang patuloy na ipinamamalas ng mag-asawangs senior citizen na sina Romeo at Corazon. Nagbebenta sila ng apron para maitaguyod ang anak at mga apo.

Samantala, kilalanin si Kelvin Miranda, ang isa sa mga bida ng pinakabagong teleserye ng GMA na The Lost Recipe. Ang Kapampangan dish na Lagat Labanos ang ihahain nina Kara at Kelvin sa Good Eats.

Ilang pasyalan naman ang muling nagbukas sa publiko. Welcome na ulit na bumisita ang mga turista sa Tagaytay, Baguio, at Boracay. Pero bago mag-empake, importanteng bisitahin muna ang official social media accounts ng mga lugar para malaman ang kanilang safety protocol at mga kailangang paghandaan o dokumentong dadalhin bago bumisita. Kung hindi pa ready mag-out-of-town, may pwede namang tambayan sa Taguig. Isang dine-in/take-out food market ang muling binuksan. Hangarin nitong matulungan ang mga food business ngayong pandemya.

Mas lalong pinasaya ang mga kwento tuwing Martes sa Bright Side ng NEW NORMAL: The Survival Guide, kasama si Kara David, 9:15 PM sa GMA News TV.