ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
'Family Time'

Tuwa, Saya at Pamilya sa gitna ng Pandemya


 

Family Time
Tuwa, Saya at Pamilya
September 18, 2020

Tunay na masasabi na isa sa magandang naidulot ng pandemiya ay mas naging malapit ang mga pamilya sa isa’t isa. Dahil halos 24/7 magkasama sa bahay, siyempre ang Pinoy, iba’t ibang nakatutuwang pakulo ang ibinida!

Sina Nanay Norma at Amiel, sa pag-TikTok ang naging bonding nila habang nasa bahay. Nung una, nahihiya pa si Nanay Norma sa pagsali sa hilig ng kanyang anak. Pero unti-unti siyang natuwa rito hanggang ayun, nagtuloy-tuloy na! Nakatulong pa ito upang pasayahin at palakasin si Nanay Norma. Hindi lang silang mag-ina ang sumaya kung hindi pati ang kanilang napakaraming followers!

Si Papa, Tatay at Daddy – kadalasan nasa trabaho pero ngayong nasa bahay, aba, naging komedyante! Kaliwa’t kanan ang banat ng kanilang “dad jokes”! Kasama ni Papa Drew ang vloggers sa likod ng channel na “Daddies Home” para magpatawa kahit gaano ka-corny ang kanilang mga joke.

Hindi lang si daddy ang komedyante ng pamilya. Ang apat na taong gulang na si Nami, bibo kid sa pagpapatawa at pagpapasaya sa kanyang pamilya sa Mindoro. Pero ang biggest fan ni Nami? Ang kanyang ama na nagtatrabaho sa Italy. 

Kilalanin din si Valerie na next level ang pagiging Tita! Hindi lang siya present sa lahat ng okasyon ng kanyang 13 na pamangkin, siya rin ang takbuhan ng mga ito para hingan ng payo. Sa sobrang pagmamahal niya sa mga ito umabot pa sa punto na ang Tita naging Nanay na rin sa dalawa niyang pamangkin. Kaabang-abang ang heartwarming story na ito!

Marami pang kuwentong pamilya ngayong Biyernes 830pm dahil Family Time is the best time!

(English)

Since most members of the family are at home, Filipinos have found ways to entertain not just the members of their family but everyone else as well. You’ve got a mother-daughter TikTok tandem, dads who love jokes and kids who just stay true to who they are! Meet the different social media sensations who bring joy to the family on Friday, 915pm because Family Time is the best time!

Tags: familytime