Iba’t ibang parenting problems, tampok sa ‘Family Time’!
Family Time
When the Struggle is Real sa Family Time
September 11, 2020
Ilang beses niyong nasasabi ang “struggle is real” sa tuwing inaalagan ang inyong mga chikiting? Huwag mag-alala dahil hindi kayo nag-iisa! Makibahagi sa parenting problems ng iba pang Mamas at Papas.
Pahirapan ba ang toothbrush at bath time? Siyempre, relate much diyan si Papa Drew! Napagdaanan at pinagdadaanan niya ang struggle na ito kina Kuya Primo at Kuya Leon. Si Mama Des habulan naman sila ng kanyang bunsong anak na si Noah para lang makapagsipilyo ito. Sina Mama Geizel at Papa Jason, bath time ang problema sa kanilang bunsong anak na si Josh. Paano nga ba dapat harapin ang parenting problems na ito?
Samantala si Mama Caryl, not one, not two, but three ang makukulit na chikiting! Kahit anong saway sa kanyang tatlong anak na lalaki, lalo mas naging mahirap dahil work from home siya ngayong pandemiya. Pero kahit makukulit ang mga anak, iba pa rin ang quality time nila ngayon.
Kahit anong struggle ang naranasan sa mga chikiting, ibang saya pa rin ang kapalit kapag may ginawang kahanga-hanga ang anak. Kagaya lamang ni Ewin na sa halip na gamitin ang pinag-ipunan na pambili ng cellphone, binilhan ang Mama niya ng inaasam-asam nitong relo! Kilalanin din ang little warrior na si Pio. Isang cancer patient na nagpipinta at ibinabahagi ang kita mula sa mga ito sa frontliners at iba pang cancer patients.
Abangan ang lahat iyan ngayong Biyernes 830pm dahil Family Time is the best time!
(English)
Being a parent is not the easiest job in the world but no worries because you are not alone! Get to know the other Mamas and Papas who are going through the exact same things as you. Papa Drew shares the struggles of toothbrush and bath time with his two boys. Single mom Caryl goes through challenging times due to the pandemic while disciplining three naughty boys. The struggles of being a parent and more on Friday, 830pm because Family Time is the best time!