Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Katipunan episode IX: Ang Simula


Katipunan
Episode IX: Ang Simula
Airing date: December 21, 2013
10:15 PM, GMA-7


Hindi pa tapos ang laban sa Katipunan.
 
Ating balikan ang kuwento nina Andres Bonifacio at ng kanyang kabiyak na Gregoria de Jesus. Silipin nating muli ang kanilang kuwento mula sa kanilang ligawan, ang paghadlang ng mga magulang ni Oriang, at ang pagsasampa ni Oriang ng reklamo laban sa kanyang ama para makapiling si Andres.
 
Makikilala sa episode na ito ang Supremo, na bukod sa pagiging empleyado sa isang multinational company ay aktor din sa entablado, kasama ang mga kaibigang sina Aurelio Tolentino at Macario Sakay.



Idedetalye rin kung paanong itinatag nina Andres at ng kanyang mga kaibigan ang Katipunan, at kung paano ito pinalawak at inihanda para sa pag-aalsa laban sa Espana.     
 
Kilalanin ang mga kathang-isip na karakter na sina Teresa, Sebastian, at Pacquing na kumakatawan sa hirap na dinanas ng ating mga ninuno noong panahon ng mga Kastila, at kung paanong naging simbolo ng pag-asa at paglaya ang Katipunan para sa kanila.
 
Isang pagbabaliktanaw sa mga piling eksena sa Katipunan na pinangunahan nina Sid Lucero, Glaiza de Castro, Dominic Roco, Benjamin Alves, Mercedes Cabral, at Roi Vinzon sa Sabado, 10:15 ng gabi sa GMA 7.

Ang Katipunan ang kauna-unahang historical docudrama series ng GMA News and Public Affairs na itinanghal para sa ika-150 taong kapanganakan ng ama ng Katipunan.
 
English version

KATIPUNAN EPISODE IX: GENESIS 
 
He was an orphan who single-handedly raised his five younger siblings beginning when he was 17. A school dropout, he was well read and formed a secret society to oust the Spanish crown and king from the Philippines in his mid-20s.
 
This week on Katipunan, GMA News and Public Affairs’ first historical docudrama retraces the life of Andres Bonifacio. It retells the formation of the secret society, how Andres and his friends expanded its membership, and their preparation for the war against Spain.
 
But even as they gird for a revolution, the widower Andres finds time to fall in love again. He meets Gregoria de Jesus (Oriang), and pursues her with war-like tactics. Oriang proves to be his equal, as she resorts to legal action to be allowed to be with the Supremo.
 


Teresa, Sebastian, and Pacquing are the fictional characters who symbolize the fate of Filipinos during the colonization by Spain. While they struggle to be free, some pay for the effort with their lives.
 
Katipunan is led by actors Sid Lucero, Glaiza de Castro, Benjamin Alves, Dominic Roco, Mercedes Cabral, and Roi Vinzon.
 
Katipunan airs every Saturday, 10:15 PM on GMA 7.