Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
THROWBACK QUIZ: Natatandaan n’yo pa ba ang mga commercial jingle na ito?
Mapanonood ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo ng gabi sa GMA-7. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programa, sundan kami sa Facebook, Twitter at Instagram. Para naman sa impormasyon tungkol sa mga paborito n’yong Public Affairs program, sundan ang GMA Public Affairs.
Isa sa mga pinakatinatangkilik na commercial ay iyong may nakaka-LSS o last song syndrome na jingle – kaya nga halos buong bansa ngayon, nakikisabay sa pagkanta ng “Finally!” na awitin sa patalastas ng isang sabong panlaba.
Ilang dekada ang nakaraan, mayroon ding mga katulad ng “Finally!" na talaga namang nakiawit ang lahat! Natatandaan n’yo pa kaya ang mga ito? Sagutin ang “Kapuso Mo, Jessica Soho,” webexclusive quiz na ito!
1. Noong 1987, nagkaroon ng TV commercial ang sabong panlaba na ito. Ano ang tagline nito?
a. Labadang mabango para sa pamilya mo!
b. Power Plus 2, labada for you!
c. Labadami, labango!
d. La, la, labadang marami, la, la, labadang happy!

2. Sino ang umawit ng theme song ng nasabing commercial?
a. Bayang Barrios
b. Sylvia La Torre
c. Rosa Rosal
d. Pilita Corales
c. Rosa Rosal
d. Pilita Corales
3. Ano ang title ng jingle na ito ng isang shampoo?
a. Sumusunod sa Galaw mo
b. Rejoice Always
c. Sumusunod
d. Sunod sa Galaw
b. Rejoice Always
c. Sumusunod
d. Sunod sa Galaw
4. Fill in the blanks: “____ ______ ______ with Caronia!”
a. Nails are fresh
b. Your fingers shine
c. Show your colors
d. Your beauty shines
a. Nails are fresh
b. Your fingers shine
c. Show your colors
d. Your beauty shines
5. Sino ang model ng unang commercial ng nail polish na nabanggit sa itaas?
a. Vilma Santos
a. Vilma Santos
b. Alice Dixson
c. Maricel Soriano
d. Hindi siya kilala
Tama kaya ang mga sagot n’yo? Alamin sa susunod na pahina!

1. Noong 1987, nagkaroon ng TV commercial ang sabong panlaba na ito. Ano ang tagline nito? LABADAMI, LABANGO
Panigurado, kinanta rin ito ng inyong nanay habang nanonood ng soap opera tuwing tanghali noon. Institusyon na nga kung ituring sa larangan ng TV commercials ang jingle at tagline na ito ng Mr. Clean. Halos 30 taon matapos isahimpapawid ang patalastas, “Labadami, labango” pa rin ang naaalala ng mga tao kapag ang sabong ito ang pinag-uusapan. O ‘di ba? Classic nga!

2. Sino ang umawit ng theme song ng nasabing commercial? SYLVIA LA TORRE
Dahil sa kaniyang tinig na soprano at mahigit 400 singles, sino pa nga ba ang dapat magbigay-boses sa theme song ng baretang panlaba na ito kundi ang nag-iisang Philippine Queen of Kundiman, si Sylvia La Torre?
Bago pa magkaroon ng karera sa pag-awit, napahanga na ni Sylvia ang ilang pari na siyang nag-alok sa kaniya ng scholarship sa University of Sto. Tomas Conservatory of Music. Dito hinubog ni Sylvia ang kaniyang talento bago naging ganap na theater at movie actress.
Ngayon, naninirahan na si Sylvia sa Los Angeles, California. Sa edad na 80, sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang paggawa niya ng klasikong patalastas.

3. Ano ang title ng jingle na ito ng isang shampoo? SUNOD SA GALAW
Ang marami sa inyo, malamang elementarya pa lang nang pumatok sa telebisyon ang dance hit na ito ng isang shampoo! Hindi lang daw kasi kanta ang mahalaga sa isang patalastas, importante rin ang dance moves para lalong maalala ng mga manonood at mamimili ang produkto.
Sa kaso ng Rejoice, hindi lang produkto nito ang pumatok dahil pati ang models nito, sumikat din! Sila sina Jaja at Boom Boom Gonzales o mas kilala bilang “JaBoom Twins.” Mula sa paglabas sa commercial, bumukas ang iba’t ibang oportunidad nila sa showbiz. Naging bahagi sila ng Kapuso Network at nagkaroon ng papel sa mga serye nito tulad ng “Encantadia: Pag-Ibig Hanggang Wakas" at “Laugh to Laugh.”

4. Fill in the blanks: “YOUR BEAUTY SHINES with Caronia!”
Madalas n’yong makita ang mga ito sa inyong ref – pero kung bakit sila naroon, hindi n’yo rin sigurado. Kung mahilig ang inyong nanay sa pagpipinta ng mga kuko sa kamay at paa, malamang ay alam n’yo ring hindi nail polish ang tawag dito noon kundi… cutics!
Isa sa mga pinakasikat na tatak ng nail polish noon ay ang Caronia – dahil na rin sa patok nitong patalastas. Ang kanta, malambing. Ang sayaw, nakakatuwang tingnan at gayahin. Paano nga bang hindi, eh ang choreographer nito ay ang mismong dance guru na sumikat sa pagiging trainer niya sa Starstruck series – si Douglas Nieras!
Pero ang isa sa mga nagpasikat sa cutics ay ang kanilang endorser. Sino kaya ito?

5. Sino ang model ng unang commercial ng nail polish na nabanggit sa itaas? VILMA SANTOS
“I use Caronia… for glamor and confidence.”
Si Governor Vi, commercial model pala noon! Bukod sa pagiging si Darna at ang Burlesk Queen, nag-endorse din siya ng sikat na brand ng cutics! Sa kasikatan ng nasabing commercial, parati itong ginagaya o ginagawan ng spoof sa ‘90s gag show na “Tropang Trumpo.” Mismong ang Kapuso nating si Michael V pa nga ang nangunguna sa panggagaya!
Tama ba ang lahat ng sagot n’yo, mga Kapuso? Ano pang mga throwback patalastas ang naiisip n’yo? Kuwentuhan tayo sa comments!

More Videos
Most Popular