Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Ang dalawang babae sa buhay ni Jam Sebastian
Ayon sa isang kasabihan, “No parent should have to bury a child.”
Subalit ito ang masaklap na katotohanang pinagdaanan ni Maricar Sebastian, ina ng yumaong YouTube sensation na si Jamvhille "Jam" Sebastian.
Sa gitna ng pangungulila sa anak, pinaunlakan ni Maricar si Jessica Soho ng isang panayam. Dito niya ibinahagi kung paano nanatiling positibo ang pananaw ni Jam hanggang sa huli.
Jessica Soho: Ma'am, kumusta na po kayo?
Maricar Sebastian: Hindi okay, pero pinipilit ko na lang maging okay.
JS: Paano ninyo ho nakayanan ito?
MS: Dapat ko pong kayanin kasi wala naman akong choice.
JS: Nakapagbilin pa ho ba siya?
MC: Mula nung nagkasakit siya, wala kaming pag-uusap na ganyan. Very positive siya na gagaling siya. Wala siyang sinasabi na parang, “Ma, pag namatay ako gusto ko ganito, gusto ko ganyan.”
JS: The last moment po na he was still okay, nandun po kayo?
MS: Oo, hindi na ako umalis talaga sa tabi niya. Talagang 24/7, nandun ako.
JS: Nakapag-express pa ho ba siya sa inyo? Anong sabi niya?
MS: Sabi ko, "Anak, love mo si Mama?" (tango) “Sige nga, isulat mo.” Andiyan nga sa (bag) ko e, nakalagay, “I love you, Ma.” Saka, hanggang sa huli, lumalaban talaga siya.
JS: Marami ho kayong maaalala na mostly masasayang memories...
MS: Oo, hindi ko makakalimutan sa kaniya 'yung kami lang dalawa sa condo ‘nun. Bigla siyang pumasok... kasi alam ko galing siya ng cr, papasok siya ng kuwarto. E nandun ako, nanonood ako ng TV. Bigla siyang (umarte)... akala ko inaatake siya. Sabi ko "Anak! Anak!". Tapos biglang sabi niya, "Joke lang, I love you, ‘Ma." Yun pala vini-video niya ako. Tapos, inupload niya sa FB niya.
JS: Ngayon po, ang daming nakikiramay sa inyo. What does that make you feel? Mas nabibigyan ba kayo ng strength because of them?
MS: Isa ‘yung mga supporter niya sa nagpapalakas ng loob ko. Totoo yun, at nagpapasalamat talaga ko.
Better half
Nagkaroon din ng pagkakataon na makapanayam ni Jessica Soho ang better-half ni Jam na si Mich Liggayu.
JS: Mich, how are you?
Mich Liggayu: Trying to be strong pa rin po, as always. Pero kagabi po, sobrang buong araw, lutang po ako. Hindi po ako makausap nang kahit sino, as in sobrang feeling ko panaginip…
JS: Paano ‘yan, Mich? Yung Jamich, nawala yung Jam, Mich na lang? Although Jamich yung love team ninyo, immortal na yun sa internet e. Di ba, sabi nila, once it's there, andun na ‘yun forever. Pero anong nakikita mong pagmu-move on from this?
ML: Feeling ko po, parang ayoko pang gamitin yung term na move on, kasi Jam will be forever a part of me, part ng puso ko. And gaya nung sinabi ko sa kaniya nitong mga huling araw, sabi ko, "I will love you forever, and magkikita tayo ulit.” So magiging part pa rin po siya ng buhay ko as long as I live, and (even) sa next na buhay natin.
JS: How do you sustain yourself through this?
ML: Yung faith ko po kay Lord, yung connection namin, yung relationship namin ni God. Sobrang strong po. Kaya po siguro ngayon din na paggising ko, medyo naging okay ako. Kasi dahil nga po kay God and kay Jam na rin po.
JS: Dun sa mga sumubaybay sa inyo. From your love story hanggang nagkasakit si Jam, parang everyone's looking in sa buhay ninyo. How is that experience like?
ML: Sobrang overwhelming po kasi ever since bata pa po talaga ko, nagpray na ako na gusto kong makapag-inspire ng madaming tao through my God-given talents. And ito po, parang binigay niya sa amin na through Youtube, through Jam, kaming dalawa, parang nagtulungan kami to achieve our dreams together.
JS: Mich, may message ka sa mga sumubaybay sa inyo?
ML: Jamich family, Team Jamich, sa friends and family namin... sobrang-sobrang nagpapasalamat ako sa inyo. Hinding-hindi po ako magsasawang magbigay ng pasasalamat kasi isa kayo talaga sa reason kung bakit nakakaya namin 'tong challenges na 'to.
March 8, Linggo, inihatid na si Jam sa kaniyang huling hantungan sa Manila Memorial Park sa Paranaque City. Sa paglisan niya, mananatiling buhay ang kaniyang ala-ala, hindi lang sa mundo ng internet, kung hindi sa puso ng mga nagmamahal sa kaniya.---Carlo Isla/ARP
More Videos
Most Popular