Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
In na in na kilawin!
By PRINCESS DAQUIGAN
Nagsimula ang lahat sa putaheng hindi naman niluto.
Bilang isang corporate chef, sanay na si Myrna na magpakain ng mga prestihiyosong tao mula sa loob at labas ng bansa. Kaya naman nang dumating ang mga organizer ng Madrid Fusion sa kaniyang restaurant, hindi na pinalampas ni Myrna ang pagkakataon. Mga pagkaing mula mismo sa ating bansa ang inihapag niya sa mga bisita.
Ang hindi alam ni Myrna, isa sa mga putahe niya ang magiging susi para makilala siya – pati na ang buong bansa – sa mundo ng kulinarya.
The main event

Chef Myrna Segismundo with her signature crayfish kilawin
Matapos ang ilang linggo, nakatanggap si Chef Myrna Segismundo ng imbitasyon para mag-demo sa Madrid Fusion Gastronomic Summit – isang taunang pista ng mga pagkaing inihanda ng mga kilalang kusinero sa buong mundo. Sa loob ng 13 taon ng summit, ngayon lang naimbitihan ang isang Pinoy.
“Akala ko e mamamatay ako sa nerbiyos," sabi ni Chef Myrna. "You're never quite ready until you're up on stage and you have your 30 minutes of fame in front of a very discriminating audience.”
“Traditional cooking” ang tema ng okasyon ngayong 2015. Kaya ano pa ba ang ibibida ng Filipino chef sa Madrid, Spain kundi ang pagkaing mula sa mga sangkap hanggang sa proseso, talagang 100% Filipino – ang kilawin o kinilaw!
“Historical records date back about a thousands years ago, may naka-unearth sa isang cave sa Mindanao ng mga buto at tinik ng isda na nagpupruweba na ang kinilaw dated way back,” ani Chef Myrna. "Walang makakapagsabi na ito ay impluwensiya ng ibang bansa sa atin.”
The main dish
The main dish
Bukod sa kilawin, bumida rin sa panlasa ng mga tao ang mga sangkap na ginamit ni Chef Myrna. Marami sa mga chef na nasa Madrid Fusion, hindi pa kasi nakakakita ng mga pampalasa ng mga Pinoy.
“[Tanong sila nang tanong] ano ‘yung duldol, ano ‘yung kalamansi, ano ‘yung kamias?” kuwento ni Chef Myrna. "Iyon palagay ko ang naging magandang formula sa pagkain natin dahil ang dami nating pinakita na bago sa kanilang paningin at panlasa.
Ibinida ni Chef Myrna sa entablado ang pagluluto gamit ang suka o “fermentation.” Isa itong technique ng pagluluto at pagpepreserba ng pagkain na natutunan ng mga Pilipino bago ipinakilala ng mga Amerikano ang refrigeration.

Bukod sa karne ng baboy o ng laman-dagat, tatlong klase ng suka ang ginamit ni Chef Myrna para mahanda ang world-class kilawin. Gumamit din siya ng asin at bagoong-isda na native sa ating mga Pilipino.
Ibinida ni Chef Myrna sa entablado ang pagluluto gamit ang suka o “fermentation.” Isa itong technique ng pagluluto at pagpepreserba ng pagkain na natutunan ng mga Pilipino bago ipinakilala ng mga Amerikano ang refrigeration.
Cooking by "liquid fire” ang tawag ng kusinera sa kilawin dahil maluluto ang karne kahit na walang apoy. Isa raw ito sa mga “magic” ng suka.
Bunga ng masusing pagsasaliksik ang ginawa ni Chef Myrna para makapaghapag ng world-class Filipino dish sa Madrid. Samu’t saring libro at iba’t ibang eksperto raw ang kaniyang kinonsulta.
“Hindi tayo pwedeng mambola kasi this is material for the world to hear for the very first time, so we have to be reliable in terms of our resources,” aniya.
Kung ano man ang ginawa ni Chef Myrna na pagsaliksik, sulit naman. “I think we were the darling of the press!” masayang kuwento niya.
Naghanda rin si Chef Myrna ng kinilaw na talaba o oyster.
Kung ano man ang ginawa ni Chef Myrna na pagsaliksik, sulit naman. “I think we were the darling of the press!” masayang kuwento niya.
The main goal
Kahit na nagpakitang-gilas ang Pilipinas sa Madrid, “step one” pa lang daw ito ng pagkilala sa Filipino Cuisine sa international culinary arena ayon kay Chef Myrna.
“Nag-uumpisa pa lang tayo e, slowly yan. If anything, at least, the [recognition of] ingredients man lang are something,” ani Chef Myrna. "If they think it's a cliché or whatever, the Philippines was in Madrid Fusion, that's enough.”
Malayo pa ang lalakbayin ng mga Filipino chef bago tuluyang mapabilang sa hanay ng mga kusinero na kilala sa buong mundo – pero dahil sa pagkilala sa Madrid, nailatag na ang paunang mga rekado sa winning recipe ng mga Pinoy.
“We're now on step 1 and so many more steps to go,” sabi ni Chef Myrna.
Naihanda na ang sangkap, naggagayat na sa kusina – kaunting sikap na lang at maaamoy na ang bango ng pagkaing Pinoy, hindi lang sa atin, hindi lang sa Madrid, kundi sa buong mundo.

More Videos
Most Popular