Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
Biyaya na nga, naging bato pa!: Ang kaso ng nasunog na lotto ticket
Bagaman sanay nang manalo nang paunti-unti sa iba’t ibang pasugalan, hindi pa rin inakala ni Antonio Mendoza na mananalo siya ng 12 milyong piso sa isang iglap.
Hawak ang kapirasong papel na mas mahalaga pa noon sa totoong salapi, ibinahagi ni Antonio ang magandang balita sa kaniyang buong pamilya. “Siyempre tuwang-tuwa [kami]! Milyonaryo na [kami]. Hindi [ko] mapigilan ang tuwa at saya!”
Pero sa isang iglap din, biglang naglaho ang kanilang suwerte.

Ang suwerte nga naman

“Wala akong inaalagaang numero basta isip lang,” kuwento ni Antonio. “Tapos minsan, lucky pick.”
Mula noong 2005 nang una siyang mag-abroad, tumataya na si Antonio sa lotto tuwing uuwi ng Pilipinas. Kung sakaling suwertehin, magtatayo raw siya ng negosyo. “Ayaw ko nang lumabas ng bansa,” aniya.
Oktubre 2, habang tinitingnan ang kuteho mula sa kaniyang cellphone, nakita ni Antonio na tumama nga siya sa lotto! Anim na numero. Labindalawang milyong piso!
Agad niya itong ikinuwento sa kaniyang pamilya -- sa asawang si Violeta, sa anak na si Roxanne at sa isang taong gulang niyang apo.
Ang kaso, habang ipinagbubunyi nila ang kanilang kakaibang suwerte, hinablot ng apo ni Antonio ang lotto ticket! Nagimbal ang buong mag-anak.
Pero ang hindi alam ni Antonio, mas malala pa pala ang matatamong sira ng ticket.
Sa kaniyang takot na baka hindi tanggapin ang patunay na sila nga ang tumama, sinubukan ni Roxanne na plantsahin ang ticket.
“Pinatungan ko naman po ng damit [iyong ticket], saka mahina lang ‘yung pagkakaplantsa,” kuwento ni Roxanne “[Tapos] bigla na lang pong nangitim. Umiyak na ako nang umiyak.”
‘Di na makatulog, ‘di pa makakain

“Hindi ko po alam kung anong gagawin ko noon dahil kabadung-kabado po ako, na lahat po ng sisi nasa akin dahil ako nga po ang [nakasira] noon. Lahat ng pangarap ng tatay ko, natanggal sa isang iglap,” kuwento ni Roxanne.
Humantong ang sitwasyon sa matinding depresyon na nakaapekto sa pamumuhay ng mag-anak.
Si Antonio, hindi raw makatulog at makakain dahil sa nangyari. “Hindi ko maramdaman ang gutom,” kuwento niya. “Tulog na silang lahat, ako gising pa. Lakad ako nang lakad, isip ako nang isip.”
Habang si Roxanne naman, hindi maiwasang matakot. “Lagi nga po akong minumura. Lagi pong kabog nang kabog ang dibdib ko,” aniya. “Kasalanan ko po lahat.”
Paikut-ikot lang
Alam nina Antonio na hindi sila puwedeng magpadaig sa depresyon. Kaya matapos ang ilang araw ng kawalan ng pag-asa, nagpasya sila na ilaban sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang kanilang kaso.
Lumuwas si Antonio sa Maynila para kunin sana ang premyo pero nang makita ang sunog niyang ticket, inutusan siya na magpunta sa data security. “So it means na may chance ako,” kuwento niya. “‘Kapag sinabing data security, iinterbyuhin ka, idedetalye [mo] kung papaano nangyari.”

Pero hindi doon nagtapos ang kalbaryo ni Antonio. Makailang beses siyang nagpabalik-balik sa Maynila para malaman ang estado ng kaniyang claim hanggang sa hindi na niya matago ang inis.
“Parang tingin ko mas pinahihirapan pa ako,” sabi ni Antonio. “Computerized na tayo e, kaya nga naging computerized para mapadali ang mga sistema, hindi ‘yung patagalin ang sistema.”
Marami raw hakbang ang kailangang pagdaanan ng mga dokumentong isinumite ni Antonio bago malaman kung makukuha nga niya ang jackpot. Kung hindi aprubahan, maaari naman daw makuha ni Antonio ang premyo kung walang ibang mag-claim nito sa loob ng isang taon.
Mensahe ni Antonio sa PCSO, “Sana naman ay ibigay na ninyo yung nararapat na desisyon, na ibigay na naman ninyo ‘yung tama ko.”
Sa kasalukuyan, nasa Legal Department na ng PCSO ang mga dokumento ni Antonio.
Sino ang dapat sisihin?

“Kinakailangan yung ticket mo ay number one, siya ay nasa normal na kondisyon; meaning hindi siya tampered, hindi siya altered, hindi siya mutilated para ‘pag dinaan natin sa ating validating machine ay readable,” paliwanag ni Atty. Jose Ferdinand Roxas II ng PCSO.
Ibig sabihin, kahit na ang ticket ay may punit o may kaunting lukot, matatanggap pa rin ito basta’t nababasa ang mga nakaimprentang numero at security codes.
Sa kaso ni Antonio, hindi na raw mabasa ng makina ng PCSO ang ticket kaya mahirap masiguro kung siya nga talaga ang tumama sa lotto.
Gayunpaman, ginigiit ni Antonio na madali naman itong i-check kung may maayos na sistema ang PCSO.
Ito ang dahilan kaya hindi natitinag ang pananampalataya nina Antonio na makukuha pa rin nila ang pangarap nilang jackpot.
“Siguro po, plano talaga po ni God ‘yun, pero maibibigay naman po siguro ‘yun. Mataas po ang tiwala ko na maibibigay ‘yun,” sabi ni Roxanne.
Habang naghihintay si Antonio ng sagot mula sa PCSO, patuloy pa rin siyang tumataya sa lotto, baka raw kasi manalo siyang muli -- at sa pagkakataong iyon, iingatan na niya ang ticket.
Mapanonood ang “Kapuso Mo, Jessica Soho” tuwing Linggo, 7:45 PM, sa GMA-7. Para sa mga karagdagang impormasyon, sundan ang programa sa Facebook, Twitter at Instagram. ---Princess Daquigan/BMS/ARP

More Videos
Most Popular