Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'KAPUSO MO, JESSICA SOHO' INTERVIEW: Jamich, magkasamang hinaharap ang sakit na cancer


Mapapanood ang "Kapuso Mo, Jessica Soho" tuwing Linggo, 7:30 ng gabi sa GMA-7. Para sa pinakabagong updates mula sa programa, maaaring i-like ang Kapuso Mo Jessica Soho Facebook page, sundan ang @KM_Jessica_Soho Twitter account, o kaya i-follow ang KMJS Instagram.
 
 
Jessica Soho interviews Jamich

Taong 2011 nang sumikat sa YouTube ang real-life lovers na sina Jamvhille “Jam” Sebastian at Paolinne Michelle “Mich” Liggayu, o mas kilala bilang Jamich.

Parang reality show na nasubaybayan ng mga netizens ang kanilang love story. Tinangkilik din ng marami ang mga ginagawa nilang short film gaya ng “Text: Story of Best Friends” at “Moving Closer,” na umani na ng milyon-milyong views.

Sa kasamaang palad, ang dating nakakikilig at masasayang videos na ginagawa ng Jamich, pansamantala raw munang mahihinto. Si Jam kasi, natuklasan kamakailan na mayroong Stage 4 Lung Cancer.

Pinaunlakan nina Jam at Mich ng interview si Jessica Soho sa tahanan mismo ng binata. Dito ibinahagi ng Jamich ang kanilang mga pinagdaanan matapos malamang may sakit si Jam. Ikinuwento rin ng dalawa ang sikreto kung paano nila napananatiling matatag ang kanilang relasyon.

Narito ang panayam ng Jamich na naipalabas sa “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Jessica Soho: Finally! Makikidagdag ako dito sa napaka-popular na love team sa YouTube, Jamich. Kamusta na kayo?

Jam Sebastian: Ngayon po medyo mas malakas kesa before. Medyo paos lang po.

Mich Liggayu: Namaos lang po kasi [nag-swimming] kami.

Jessica Soho: Kamusta na ang pinaka-popular na love team sa YouTube? May channel pa kayo, ha? Kamusta na?

Jam Sebastian: Okay naman po, going strong kaming dalawa.

Mich Liggayu: Going strong.

Jam Sebastian: Mas naging attached kami doon sa mga nangyari.

Jessica Soho: Ano ba ‘to, Jam? In-expect mo o bigla-bigla na lang? May naramdaman ka na ba matagal na o nito na lang?

Jam Sebastian: Last year po, ‘yung ubo ko po walang tigil, so every time po na umuubo ako, lagi pong sumasakit yung back and chest, tapos ‘yung may headache. Nagpa-consult po ako sa iba-ibang doctor, sa iba-ibang hospital, and iba-iba po ‘yung treatment na ginawa sa akin—may asthma, may pneumonia, may TB. Pero hindi po talaga nakita ‘yung totoong sakit, so kahit ano po yung gawing treatment, kahit wala po... wala pong nangyari. Hanggang, nagpa-third opinion po kami sa St. Luke’s, dun po nakita sa CT scan na may cancer po ako.

Jessica Soho: Tinanong mo ba, ba’t nagkaganun? Hindi ka naman daw naninigarilyo?

Jam Sebastian: Do’n po sa doctor na kung saan po kami nagpapa-treat ngayon, stress daw po. Kasi before, sobrang inaabuso ko yung katawan ko. Every time busy ako, minsan natutulog po ako umaga na. Plus, ang kain ko lang po sa isang araw, minsan two times lang pero gising po ako ng mga 20 hours. And ‘yung mga friends ko din po, secondhand smoking, ganun po.

Jessica Soho: Hindi ka nagdaan dun sa stage na tinatanong mo, ba’t naman ako?

Jam Sebastian: Nung na-CT scan po ako, nakita ko po ‘yung CT scan pero five days pa po lalabas ‘yung result. Pinakita po sa akin ‘yung bukol, ang sabi po ng doctor it’s either infection or cancer. Ni-research ko po ‘yun sa internet and nakita ko po lahat ng images na ganun, cancer po talaga. So medyo umaasa po ako... medyo umaasa po ako nang kaunti na sana infection pa din, pero alam ko na sa sarili ko na cancer. And then nag-post po ako sa Facebook, ang sabi ko, Lord, whatever the result is, tatanggapin ko po nang buong-buo. Your will be done. So, kung ano po ‘yung will niya sa akin ngayon, kailangan ko lang po makita ‘yung positive side nun e. Then, after po nun, malaking blessing talaga.
 


Jessica Soho: Mich, ikaw? Kamusta? How are you taking this?

Mich Liggayu: Ngayon po, nagiging okay po kami. Kasi nung mga first few days ng ‘yun po, nung nalaman namin, siyempre medyo napanghihinaan po kami ng loob. Pero every day naman po, nagmi-make sure kami na nasa positive na daan pa rin po kami. Lagi kaming nagdadasal together, and ine-encourage pa rin namin siya na maging mas strong. And ayan, kita naman po na nag-i-improve yung itsura niya and lakas.

Jessica Soho: Paano ‘yun, eh ‘di may bago kayong yugto ng inyong buhay at pagmamahalan na shini-share sa inyong followers?

Jam Sebastian: Opo, sobrang para po sa akin ‘yung mga nangyayari ngayon, blessing. Kasi po dumating po kami sa point na hindi po namin alam ‘yung nangyayari sa relationship namin. Ang laki-laki ng gap kahit lagi kaming magkasama pero wala po kami makitang problema. Dumating po kami sa point na ganun. Then, ito po, dumating po ‘yung sakit ko po, lahat po nagbago. Mas napatunayan po namin kung gaano namin kamahal ang isa’t isa. ‘Yung family ko po sobrang special po ako. Pati po sa mga supporters namin, pinaramdam nila sa akin kung gaano nila ako kamahal. And alam ko, after this trial, meron pong malaking blessing na galing kay Lord, na marami pong opportunity na lalabas because of this. And I know na kailangan ko lang po maniwala sa kanya, to have faith, and to be strong and labanan. And after this ay isang malaking blessing po talaga.

Jessica Soho: Si Mich, malaking bahagi? Anong ginagawa niya para nakakatulong sa nararamdaman mo?

Jam Sebastian: Lagi po siyang nasa tabi ko, 24/7, hindi po siya umaalis. Kasi pag nagkakaroon po ako ng anxiety, siya lang po ‘yung hinahanap ko, saka yung brother ko, dahil iba po ‘yung pakiramdam kapag andiyan ‘yung presence nila. So every time na nandiyan si Mich, talagang ang gaan ng pakiramdam ko. Kumbaga okay na ko pag nandiyan siya.

Jessica Soho: Anong ginagawa ninyo, Mich, all these time ‘pag kunwari andito siya sa bed, eh ‘di kulitan kayo nang kulitan?

Mich Liggayu: Opo, nanonood kami ng mga YouTube videos din na para mapatawa siya. Nanonood kami ng movies. Tapos kahapon lang po, nag-PS4 siya ulit, naglaro siya. So nakakatuwa kasi kahit paano, hindi lang siya ‘yung nakahiga. Parang ngayon may ginagawa na siyang ibang activities pa.
 

Para sa latest videos at full episodes mula sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" mag-subscribe sa official GMA Public Affairs YouTube Acccount:
 

Jessica Soho: Ilang years na kayo?

Jam and Mich: Mag-six years po.

Jessica Soho: Wow!

Jam Sebastian: This May.

Jessica Soho: Anong sikreto? Paano kayo tumagal ng six years? Mag-six years na tapos may mga ganito?

Mich Liggayu: Siguro po ‘yung... importante din po ‘yung friendship, pero importante din na ‘yung friendship na ‘yun, huwag masyadong mapunta sa comfort zone to the point na mawala na ‘yung spark. Kasi ‘yun nga po, dumating po sa relationship namin na medyo nagkaroon kami ng gap. Pero ngayon, aagapan po namin na mas nafi-feel din namin ulit ‘yung love ng isa’t isa, kung gaano kaimportante ‘yung isa’t isa. Importante na open din po kayo sa nararamdaman ninyo for each other. And siyempre, ‘yung relationship with God.

Jessica Soho: ‘Yung ibang tao parang after six years nag-iisip nang magpakasal. May ganun ba kayong napag-uusapan ngayon?

Jam Sebastian: Ako po, sa ngayon, ‘yun po ang pangarap ko.

Mich Liggayu: Pareho po kami.

Jam Sebastian: Every time na nalulungkot ako, every time nade-depressed ako, iniisip ko ‘yung happy thoughts na naglalakad siya sa aisle, or nagpo-propose ako sa kanya. ‘Yun po kasi ‘yung pangarap ko na sa isip ko ‘yung pinakamaganda. And nakikita ko po, navi-visualize ko po ‘yung mga apo namin, ‘yung may mga anak kami, naglalaro kami, nagba-bonding, nagpi-picnic. ‘Yun po ‘yung pinakamasaya para sa akin, so navi-visualize ko po ‘yung ganun.

Jessica Soho: Ang saya naman isipin nun. Nakaka-touch.

Mich Liggayu: Opo, sobra.

Jessica Soho: Anong treatment ang ginagawa sa’yo?

Jam Sebastian: Pinili po namin ‘yung ano integrative medicine. ‘Yung chemo po kasi pinapatay niya po lahat ng cells.

Mich Liggayu: Kahit ‘yung good cells po, pinapatay niya.

Jam Sebastian: Kahit ‘yung good cells, so natakot po kami dun.

Jessica Soho: So ito, medyo alternative?

Jam Sebastian: Opo, nagkaroon po kami ng alternative. Medyo mas mahal lang po siya pero mas pinili po namin ‘yun.

Jessica Soho: Ano ba ‘yun? Parang mahina na ‘yung lungs mo? Ganun ba ‘yun?

Jam Sebastian: Ngayon po medyo malakas po ako e, takot lang ako umubo kasi masakit po sa spine.

Jessica Soho: So what’s your day like? Magkasama kayo lagi ni Mich?

Jam Sebastian: Opo, tapos every day po ‘yung treatment ko. So outpatient po ako, nagpupunta po kami sa clinic every day. Kasama ko po siya, family ko and friends. Tapos ‘yun po, i-injectionan na ako tapos uwi na kami dito, bonding ulit, kain.

Jessica Soho: So nagfi-Facebook ka pa rin?

Jam Sebastian: Opo.

Mich Liggayu: Active pa rin po sa social media.

Jessica Soho: Active ka pa rin. Ano ‘yung huling pinost mo, Jam?

Jam Sebastian: Huling pinost... picture po... picture ko po yata, nag-selfie.

Mich Liggayu: Sume-selfie pa rin siya.

Jam Sebastian: Ms. Jessica, mag-selfie po tayo.

Mich Liggayu: Puwede po magpa-selfie?

Jessica Soho: Oo naman.


—Rica Fernandez/CM, GMA News

Related stories:
Why Jamich has over 80,000 YouTube followers
Want to be a YouTube sensation? Lloyd Cadena says 'just be yourself'
Jamich at Chicser, nagpakitang gilas sa TWAC