Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Usapang pag-ibig ang tampok ngayong Linggo sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'
Kapuso Mo, Jessica Soho Valentine's Special Airing Date: February 10, 2013 LOVE BUS Sa mahigit pitong bilyong tao sa buong mundo, maswerte ka raw kung mahanap mo ang nakatadhana para sa'yo. At dahil mapagbiro raw si Kupido, ang ating "The One" kalimitan nating natatagpuan sa pinaka-hindi inaasahang lugar at panahon. Tulad na lamang nina Herbert at Janine. Hindi nila akalain na ang bus na sinakyan nila mula Cavite papuntang Lawton ang nagbiyahe sa kanila patungo sa kanilang "happily ever after." DATE WITH A STAR Ang Kapuso Hunk na si Rafael Rosell, naghahanap ng kanyang perfect date ngayong Valentine's Day. Kilalanin ang tatlo sa pinakamasugid na tagahanga ni Rafael na maglalaban-laban para makasama siya sa isang romantic dinner date. DELI X Painitin ang Valentine's Day sa pamamagitan ng pagtikim sa mga pagkaing magpapainit sa samahan ng mga magsing-irog. Kasama na rito ang mga putaheng ang pangunahing sangkap, mga pribadong bahagi ng mga hayop. BELLA FLORES: BIDANG KONTRABIDA Oras na titigan at taasan ka niya ng kilay, tiyak manginginig ang iyong tuhod. Dahilan para kamuhian at kainisan siya dahil sa epektibo niyang pagganap sa pelikula at telebisyon. Siya ang ultimate kontrabida sa showbiz -- si Bella Flores. Pero ngayon, sa edad na 83, ang numero unong kontrabida, nangangailangan ng pagmamahal at suporta para maalala ang kanyang matamis na kahapon. LOVE IN THE TIME OF BAGYONG PABLO Ang tunay at wagas na pagmamahalan, kayang-kaya raw subukin ng mga kalamidad. Tunghayan kung paanong sa ngalan ng pag-ibig, hindi bumitaw ang mag-asawang Emerito at Jocelyn kahit pa halos mawasak at magkahiwa-hiwalay na ang kanilang pamilya noong bagyong Pablo. Panoorin ang "Kapuso Mo, Jessica Soho" sa Linggo, 7:45 PM sa GMA-7!
More Videos
Most Popular