The Best of 'Kapuso Mo, Jessica Soho' 2012
Ngayong December 23, balikan natin ang mga istoryang itinampok ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho' na talaga namang naging trending topic sa taong ito. Muli nating panoorin ang paghahanap ni Joemil kay Mang Roldan, ang taong nagpabago sa pananaw ng kanyang buhay. Matapos magkita ang dalawa, kinumusta namin ang papalapit nilang Pasko. Bagamat walang boses, naipabatid naman ni Sonja March ang ligaya matapos niyang makita ang nawalay niyang BFF o Best Friend Forever sa loob ng mahigit dalawampung taon na si Erlinda. Muli ring makitili sa all-male Pinoy dance group na pinagkakaguluhan ng mga kabataan ngayon -- ang Chicser! At pagsaluhan ngayong Noche Buena, ang iba’t ibang recipe ng Paella!
Sa December 30 naman, pasyalan uli natin ang mga out of the country trips ng KMJS sa taong ito. Maki-uso sa mga paandar na kanta at sayaw ngayong 2012. Kilalanin ang mga natatanging naka-one on one interview ni Ms. Jessica Soho na mga local at international celebrities. At ang pinakamasasarap na pagkaing ating pinagsaluhan, muling ihahain!