Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

SINDAK: 'Kapuso Mo, Jessica Soho' Halloween Special


Kasalukuyang tumatabo sa takilya ang "Tiktik: The Aswang Chronicles". Ang kwento nito hango sa Pinoy mythical creature na "tiktik", isang uri ng aswang na pinupuntirya ang mga buntis! Pero may mga nagsasabing 'di lang daw likha ng imahinasyon ang mga tiktik.  Katunayan, sinisisi ni Eva sa tiktik ang pagkamatay ng kanyang pinagbubuntis. Nang iluwal niya kasi ang kanyang sanggol, putol na raw ang pusod nito at may sugat pa ang tiyan!  Ano ang katotohanan sa pangyayaring ito? Sa iba't-ibang panig ng mundo, pangunahing atraksiyon sa theme parks ang mga Horror House kung saan makikita ang mga umaarteng maligno at iba pang kampon ng kadiliman.  Pero sa bahay na ito sa San Miguel, Bulacan, mga totoong ligaw na kaluluwa raw ang gumagala? Dati raw kasi itong kampo ng mga Kastila at Hapon. Nang ito raw ay pinabendisyunan, diumano lalong nagwala ang mga kaluluwa at gabi-gabing nanggagambala! Wala naman daw masama kung susundin ang mga pamahiin.  Lalo na kung ang pagsunod dito, kokontra sa kapahamakang maaaring idulot nito. Si Jovita, nakita raw ang kanyang asawa na pugot ang ulo nito lang nakaraang linggo. Paniniwala ng matatanda kailangan daw sampalin o iuntog ang tao at hubaran saka ibaon ang kanyang damit sa lupa kapag nakitang wala itong ulo. Pero binalewala ito ni Jovita. Kaya laking gulat niya na noong mismong araw ring iyon, binawian ng buhay ang kanyang asawa!   Ang mga kaluluwa sa isang libingan sa Pandi, Bulacan magpahanggang ngayon, hindi pa rin daw matahimik. Karamihan daw kasi sa mga labi rito, mga pinatay at nagpakamatay! Si Blessy, nang minsang nag-away sila ng kanyang asawa, sa sementeryong ito siya nag-iiyak. Pero nahindik si Blessy nang diumano'y isang lalaking nakabarong. ang nakiramay sa kanyang pagtangis!   Ngayong Sabado, siguraduhing may kasama sa panonood, dahil tiyak na masisindak ka sa Halloween Special ng Kapuso Mo, Jessica Soho!