Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Nasaan si Mang Roldan?, Pinoy Balut, Hobby Ko, Extraordinaryo! at iba pa sa Kapuso Mo, Jessica Soho


May online campaign ngayon para hanapin ang 63 anyos na si Mang Roldan Jimenez Pineda. Naantig si Joemil sa kwento ng buhay ni Mang Roldan nang nakilala niya ito ilang linggo pa lang ang nakakaraan.  Dahil dito, suot ang t-shirt na may litrato ni Mang Roldan sinusuyod ni Joemil ang mga posibleng dinaanan ng matanda pauwi ng Isabela. Sa pagkakataong ito kasi, lulubus-lubusin na raw ni Joemil ang pagtulong dito.  Bakit nga ba ganoon na lang kasidhi ang pagnanais ni Joemil na muling makita si Mang Roldan?  At nasaan na nga ba si Mang Roldan? Ang balut, pang-international na! Ito'y matapos magkaroon ng balut eating contest sa Amerika. At sa sobrang hilig nating mga Pilipino sa balut, samu't saring luto na ang nagagawa mula rito. Mayroon na ngayong Balut Pasta, Spicy Balut Laing, Balut Mousse at Peekaboo Balut Surprise. Kilalanin ang mga taong kakaiba ang hobby. Si David, sa sobrang pagkahumaling sa mga hayop, nag-cocostume siya para magmukha siyang aso! Si Glen naman para mawala ang takot sa mga ahas, walang kaabog-abog niya itong hinuhuli. Magpapalitrato kasi siya kasama ang mga ito! Kalbaryo para sa karamihan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng LPG o liquefied petroleum gas. Pero sa isang barangay sa Butuan City, Agusan del Norte, libre raw silang nakakakuha ng LPG sa isang balon? Pero gaano rin ba kaligtas ito?  Akala ng iba, fitness craze lang ito noon. Pero habang tumatagal, mas maraming naloloko sa Zumba, pinagsamang sayaw at aerobics na pampaseksi raw?  At alam nyo bang meron na rin ngayong Aqua Zumba! Abangan ang mga kakaibang kwentong ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Sabado, 7:30 ng gabi sa GMA Ch. 7. Like us on Facebook at Kapuso Mo, Jessica Soho and follow us on Twitter @km_jessica_soho for updates and for the live Tweets of our episodes.