Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
"Miracle Beds?, The Younghusbands, Birthday Gimmicks, Battle of the Chefs"
Miracle Bed People from different parts of the country are lining up for this one of a kind bed. According to reports, those who lie in this bed will be allegedly cured of medical ailments like diabetes and hypertension?! What is the truth behind the rumored miracle of this bed? The Younghusbands: Newest Heartthrobs! With football's fast gaining popularity in the Philippines , the sport isn't the only thing that's been receiving constant attention from its supporters. Because if you ask the female fans, most of them admit that what sparked their interest in the game are the heartthrobs of the football field! And on top of that list are the Younghusband brothers, Phil and James! Birthday Gimik Children's birthdays are events that most of us look forward to. But aside from the usual costume parties, new gimmicks for children's birthdays have also been conceptualized! Nowadays, little girls don't have to wait until they're 18 years old to celebrate their debut. Because at age 7, they can already have a party with their own cotillion de honor! While other children's parties choose to feature a fashion show or a mini-concert! Battle of the Chefs Last Saturday, five groups of International Chefs from various parts of Asia presented their food masterpieces at a mall in Pasay City . Included among them is our own group of Filipino chefs! And their proudly Filipino entrées are: Baked Milk Fish with Java Coleslaw and Bonito Dressing, Roulade of Chicken Leg with Liver and Mushroom and Halo-halo for dessert! Find out which country and recipe captured the taste buds of the judges! Punishment or Discipline? Since the release of Amy Chua's book in America entitled "Battle Hymn of the Tiger Mother", debates have sparked on whether or not there is a proper way of raising children. Which is more effective, an iron hand or a nurturing hug? Should parents spank or lecture their kids? This Saturday, we will take an in depth look at the proper approach to child discipline.
Himala sa Kama ? Isang kakaibang uri ng kama ang pinipilahan daw ngayon sa iba't-ibang panig ng bansa. Hindi raw kasi ito ordinaryong higaan lang. Dahil ang mga humihiga rito, diumano pwede raw magamot ang kanilang diabetes at alta presyon?! Totoo nga bang may dalang himala ang mga kamang ito? The Younghusbands: Mga Bagong Crush ng Bayan! Sa biglaang pagsikat ng football dito sa Pilipinas, hindi lang daw mismong laro ang nagpagulong ng interes sa marami nating mga kababayan. Dahil kung tatanungin daw ang mga kababaihan, ang sumipa ng kanilang hilig sa sport na ito, ang mga tinitilian at kinakikiligang mga heartthrob ng football field! Nangunguna na riyan ang magkapatid na Phil at James Younghusband! Birthday Gimik Ang birthday ng mga bata ang isa sa pinakahihintay nating okasyon taon-taon. Pero alam nyo bang maliban sa mga costume party, kung ano-ano na rin palang gimik ang naiisip ngayon sa mga children's party! Kung dati, kailangan pang maghintay mag-18 years old ang isang babae para makapag-debut, ngayon, 7 years old pa lang siya, pwede na siyang mag-cotillion de honor! Ang iba namang birthday party ng mga chikiting, ginawang fashion show o kaya'y mini-concert! Battle of the Chefs Nito lamang nakaraang Sabado, ipinarada sa isang mall sa Pasay ang mga pambatong lutuin ng limang grupo ng international chef mula sa iba't-ibang panig ng Asya. Siyempre, kasama na rito ang mga pambatong chef ng Pilipinas! Ang pinanlaban ng mga Pinoy Chef, Steam Baked Milk Fish with Java Coleslaw and Bonito Dressing, Roulade of Chicken Leg with Liver and Mushroom at Halu-Halo para panghimagas! Ang tanong, sinong bansa kaya ang nakahuli ng panlasa ng mga hurado? Parusa o Disiplina? Sa paglabas ng libro ni Amy Chua na "Battle Hymn of the Tiger Mother" sa Amerika, muling uminit ang debate kung may tamang paraan nga ba sa pagpapalaki ng mga anak. Kung gagamitan ba sila ng kamay na bakal o masuyong mga yakap? Kung dadaanin ba sila sa palo o pangaral? Ngayong Sabado ng gabi, masinsinan nating pag-usapan kung paano nga ba dapat didisiplinahin ang mga bata.

More Videos
Most Popular