Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Halloween Special
Episode on November 1, 2008 Saturday, 8:30 p.m. This Saturday on Kapuso Mo, Jessica Soho, itâs an episode full of hair-raising stories as the show marks Halloween. Different places with notorious pasts are visited, among them, a vacant lot in Limay, Bataan, where salvaged bodies believed to be victims of extra judicial killings, were dumped. Souls howling for justice are thought to haunt the area, causing fear among residents. Spirits are also said to roam an old Church in Sarrat, Ilocos Norte, where the underground room is suspected to have served as a torture chamber during the Spanish occupation. Until now, even tourists claim to feel the presence of other-worldly beings crying for justice. Old structures are also believed to hold secrets. In Manila City Hall, janitress Eleanor dela Cruz claims to have seen ghosts in the old buildingâs dark passageways. Kapuso Mo, Jessica Sohoâs team explores the area to verify this claim. On the teamâs way up to the tower clock, a wailing sound is accidentally recorded on camera! Just this week, retrieval operation of bodies from the ill-fated M/V Princess of the Stars began. With the recovery of the bodies, it is hoped that families agonized by their loss may somehow be appeased. But the souls of those who tragically met death in the mishap allegedly remain restless as ghost stories circulate around the nearby town of San Fernando, Romblon. Halloween is not all horrorâ in fact, itâs fun time for kids who go trick or treating in their ghoulish attires. Costume parties are held for the young and adults alike. Competitions for the best decorated Halloween house are organized. And guess whoâs taking part in a Halloween competition this year? Itâs none other than Shake, Rattle and Roll horror hit series movie producer herself, Mother Lily! Donât miss these Halloween treats on Kapuso Mo, Jessica this Saturday, after Bitoyâs Funniest Videos.
Ngayong Sabado sa Kapuso Mo, Jessica Soho, mga makapaninding-balahibong kwento na pang Halloween ang tatalakayin. Mga ibaât-ibang lugar na may notoryus na nakaraan ang bibisitahin, tulad na lamang ng bakanteng lote sa Limay, Bataan kung saan ang mga bangkay na pinaniniwalaang biktima ng extra judicial killings ay natagpuan. Humihingi raw ng ng hustisya ang mga kaluluwa ng mga ito at umiikot sa lugar na siyang nagdudulot ng katatakutan sa mga residente. May mga lumilibot din daw na kaluluwa sa lumang simbahan sa Sarrat, Ilocos Norte kung saan may kwarto sa ilalim ng simbahan na pinaniniwalaang garote noong panahon ng mga Kastila. Hanggang ngayon, pati ang mga turista ay sinasabing nararamdaman ang mga nilalang na ito. Ang mga lumang istruktura ay may mga sikreto rin daw. Sa kaso ng Manila City Hall, ang janitress na si Eleanor dela Cruz ay nakakita raw ng mga multo sa madidilim na daanan ng building. Pinuntahan ng Kapuso Mo, Jessica Soho team ang lugar para alamin kung may katotohanan ito. Sa pag-akyat ng grupo papuntang tower clock, isang tila panaghoy ang na-record sa camera! Nitong linggo lamang, nag-umpisa na ang retrieval operation ng mga naiwang bangkay sa lumubog na M/V Princess of the Stars. Sa pamamagitan nito, inaasahan na mapapayapa ang mga pamilyang nagdurusa sa sinapit ng kanilang kaanak. Pero ang mga kaluluwa raw ng mg namatay sa sakuna ay hindi matahimik. Kumakalat ang balita tungkol sa mga nagmumultong mga pasahero sa kalapit na bayan ng San Fernando, Romblon. Hindi lang naman katatakutan ang Halloween. Katunayan, panahon ito ng kasiyahan para sa mga batang sumasali sa trick or treat suot ang kanilang costume. May mga costume party rin para sa mga bata at matatanda. Mayroon pa ngang kumpetisyon sa may pinaka magandang pang Halloween na bahay. At hulaan niyo kung sino ang kasali sa ganitong pakontes kundi ang mismong Shake, Rattle and Roll hit series movie prodyuser â si Mother Lily! Huwag palampasin ang mga kwentong ito sa Halloween Special ng Kapuso Mo, Jessica Soho, ngayong Sabado, pagkatapos ng Bitoyâs Funniest Videos!

Tags: kmjs
More Videos
Most Popular