Full Transcript: Teddy Casiño on 'Kandidato 2013'
He kicked off his bid for a seat in the Senate with a morning run from the corner of Taft and Buendia Avenues up to the Senate accompanied by members of Katribu, Anakpawis, Piston, Kabataan, Gabriela and the party-list he represents, Bayan Muna.
A former journalist, Casiño is bent on advocating for land reform, industrialization, higher pay and bringing down the cost of goods if elected senator.
In his interview for the GMA News and Public Affairs’ special election series “Kandidato 2013,” he answered Arnold Clavio and Howie Severino’s questions about his campaign strategy, him being a leftist, media corruption and the Sabah standoff.
Here’s the full transcript on his interview on “Kandidato 2013” which aired last April 4, 2013.
--
ARNOLD CLAVIO (AC): Magandang gabi, mga Kapuso. Ang kandidatong makakasama natin ngayong gabi, walang iba kundi si Congressman Teddy Casiño. Congressman, magandang gabi po.
TEDDY CASIÑO (TC): Magandang gabi, Arnold at Howie. Magandang gabi po sa lahat ng nanonood.
On running as an independent candidate
AC: Kumustahin lang namin ‘yung takbo ng kampanya mo, kasi nag-iisa ka eh, kumpara doon sa dalawang naglalabang higante. So kumusta ‘yung pulso niyo ‘pag umiikot?
TC: Actually, Arnold, nakakataba ng puso na ang sinasabi, halos isa lang ang sinasabi ng ating mga kababayan sa atin—na importante na may iba naman sa Senado. And they fully agree na kailangan may alternatibo tayo. Labas dito sa line-up ng UNA at LP, na karamihan talaga ay ‘yung malalaking politiko, mga milyonaryo, mga kinatawan ng malalaking negosyante at mga haciendero. So it's about time na may boses naman ‘yung karaniwang tao sa Senado. Nakaka-encourage, at halos ganiyan ang reception na nakukuha namin.
On political dynasties
AC: Ang linya mo pa rin, anti-political dynasty, ano?
TC: Well, hindi lang, hindi lang. Isang bahagi lang ‘yan. Pero ‘yung monopolyo, hindi lang sa politika kundi pati sa ekonomiya ang gusto nating...
AC: Ng iisang pamilya...
TC: ...ng iilang pamilya. Recently po, may lumabas na balita na 76% ng lahat ng kayamanan sa Pilipinas ay kontrolado ng apatnapung pamilya lamang. So biro mo ‘yan, kung may political dynasty tayo sa politika ay may economic oligarchy naman tayo sa ekonomiya. So ‘yun ang klase ng sistema na gusto naming baguhin.
On the Freedom of Information (FOI) bill
AC: Paano na ‘yung FOI bill? Iniwan mo sa Kamara. Sa Senado ba, ‘pag nabigyan ka ng pagkakataon, tuloy pa rin ‘yun?
TC: Talagang nakakadismaya, nakakalungkot ‘yung nangyari sa FOI bill. Ginawa natin ang lahat para maitulak ‘yan, pero at the end of the day, ayaw naman pala ng Palasyo. Mukhang nawala ang suporta ng Presidente. Mukhang umatras siya sa kaniyang campaign promise, at dahil dito ay nawalan ng hangin sa Kongreso. Pero titingnan din natin. Baka naman sa ilang araw... May sesyon kami sa Hunyo. Baka may mirakulong mangyari, pero sa ngayon, patay na talaga.
On being offered a spot in the UNA slate
HOWIE SEVERINO (HS): Nagkaroon ng tsismis na inalok kayo ng puwesto ng UNA sa kanilang line-up. Ano ba ‘yun?
TC: Tsismis talaga.
HS: Mayrooon bang nagpadala sa’yo ng fillers o ano...?
TC: Parang tsismis nga dahil ito ay napapag-usapan sa media pero walang opisyal na pagpapaabot, kahit ‘yung filler man lang na sinasabi. Siguro nag-float lang ‘yung aking pangalan, dahil nga sa lahat ng independent na tumatakbo, isa ako sa matunog, kaya lumabas ‘yung pangalan ko.
HS: Ano sana ‘yung magiging response mo? Kung may totoong fillers nga.
TC: Well, in the first place, wala talagang fillers, so hindi natin alam kung ano talaga 'yung offer, ano ba ‘yung sinasabing makikipagtulungan kami. Pero ako kasi, komportable na ako doon sa aming kampanya na talagang alternative politics. Para sa akin, mahihirapan akong sumama sa isang line-up na mismong ‘yung mga kasama ko, hindi ko naman kasundo ‘yung kanilang prinsipyo o plataporma. So okay na rin ‘yung alternative campaign na nasa ilalim ng Makabayan Coalition.
On his SALN
AC: Congressman, ‘yung dineklara ninyong yaman 91,000 pesos...
TC: ‘Yan ‘yung two years ago. ‘Yung updated nyan, nasa 225,000. Anyway, naka-post naman sa Facebook.
HS: So dumoble.
AC: So saan galing ‘yun? Yumaman ka. Saan galing ‘yung yaman na ‘yun?
TC: Hindi. Siyempre....
AC: ‘Yung fishpond mo?
TC: Hindi, hindi. ‘Yun ‘yung lupa na nasa Infanta.
AC: Pero nakadeklara ‘yun, ‘di ba? Sa Aklan?
TC: Opo. Isang bahagi diyan ‘yung cash in bank. Tapos, may mga ilang kagamitan kaming nabili the last years sa bahay—sofa, bagong ref. So ‘yan, pag inipon mo ‘yan, medyo nadagdagan. Pero actually, ako pa rin ‘yung pangatlong pinakamahirap na miyembro sa Kongreso, at ‘yan naman ay ipinagmamalaki ko.
AC: Hindi ba mismanaged ‘yung pera mo o hindi mo natago o...?
TC: Hindi naman, kasi sa totoo lang, hindi ‘yung buong sweldo ko ang tinatanggap ko. Malaking bahagi ng sweldo ko ang ibinabalik ko sa partido para sa activities ng party—trainings, and then maraming outreach programs din kami. Halos ang tinatanggap ko lang, ‘yung eksakto lang sa pamilya ko. Halos nasa 35,000 pesos out of the 77,000 [pesos] na monthly na sahod.
On financially supporting his campaign
AC: Pero hindi naman ho kayo galing sa mahirap na pamilya, ‘di po ba?
TC: Hindi naman po.
AC: Middle class.
TC: Galing kami sa middle class na pamilya. Naigapang kami ng aking mga magulang sa paaralan. So sanay naman tayo sa simpleng pamumuhay. ‘Yun din ang aking...’yun din ang values sa aming pamilya. Walang garbo, walang extravagance masyado.
AC: Kaya lang, parang ‘yung 225,000 [pesos] na deklaradong net worth mo, ang gastos sa kampanya, daang milyong piso. Hindi ho ba kayo nalulula? Paano masusuportahan nito ‘yung pagnanais ninyong makaikot at makilala kayo ng mga mamayan?
TC: Well, talagang nakakalula po ‘yung mga pangangailangan ng kampanya. Pero mas siguro ‘yung pambayad sa TV advertisements, kasi ‘yung mismong kampanya namin sa baba, talagang napakaliit ng ginagastos namin. Usually volunteers talaga ‘yung aming inaasahan, at malaki ang aming suporta [na natatanggap mula] sa mga non-government organizations, civil organizations. Even ‘yung mga lokal na politiko ay tumutulong. So hindi masyadong mabigat. Ang pinakamabigat sa amin sa kampanya, ‘yung mga TV and radio ads.
HS: Nakakatipid ka nga dahil tumatakbo ka lang, ‘di ba?
TC: Minsan nga doon sa Cebu, nakitira na lang ako sa barangay center dahil kung ano lang ‘yung kayang pasulputin ng ating net worth, ‘yun lang ‘yung kinukuha nating accommodation. [Ang] transportation [namin] minsan eh nasa ibabaw na ako ng multicab. ‘Yun na yung pinaka-chariot natin.
On “running” for senator
HS: Pero nakakatipid ka sa transpo, ‘di ba? Kasi tumatakbo ka lang eh.
TC: Totoo ‘yan, pero kung ano lang [ang] meron diyan, ‘yun ang ginagamit namin. Doon nga sa Cebu, pinagtatawanan tayo ng iba, dahil ngayon lang daw sila nakakita ng senatorial candidate na ang chariot ay multicab. Minsan naman, dito sa Laguna, ang sinakyan naman namin, ‘yung pang-deliver ng hardware. So what is available. So, nakakatipid kami sa aming kampanya.
On being a leftist
AC: Congressman, ‘di ba sa “Hiritan,” nagulat ako, tinanong ka ni Mareng Winne, “Kaliwa ka ba?” at inamin mo naman na kaliwa ka. Pero hindi ‘yung armed struggle, ‘yung karahasan. So walang epekto ba sa’yo ‘yun na kaliwa ka? Paano naman ‘yung iba-iba ang pananaw sa kaliwa?
TC: Hindi naman e, kasi alam mo, bago naman ako pumasok sa kongreso, 15 taon ako sa kalsada, at kilala akong aktibista talaga, social reformist. Usually, ‘pag ganiyan ang tingin talaga sa’yo, kaliwa. Pero ang hamon talaga sa akin, ‘yung ipaliwanag ‘yung sinasabing kaliwa. At sa konteksto ng Pilipinas, ‘pag sinabing kaliwa, ito ‘yung grupo, ‘yung tao na naghahangad ng makabuluhang pagbabago sa lipunan, na ang mas makikinabang [ay] ‘yung mga mahihirap. ‘Yun naman ang tradisyon ng kaliwa sa Pilipinas.
AC: Wala kang direktang komunikasyon sa CPP/NPA/NDF? Hindi ka hinihingan ng payo o nagbibigay ng ganoon? Walang ganoon?
TC: Wala po.
HS: Kasi ‘yung isang association sa kaliwa ay ‘yung armed struggle. So ano ang pananaw mo doon?
TC: Mahabang tradisyon din ‘yan ng kaliwa sa Pilipinas.
HS: So ano naman ang pananaw ninyo sa armed struggle sa panahon ngayon?
TC: Ako, ang tingin ko, kailangan nating lutasin ‘yung ugat ng kahirapan, ugat ng armadong paglaban, and kaya napakahalaga para sa akin ng revival ng peace process, napakahalaga ng mga repormang ipinaglalaban natin, dahil hangga’t hindi natin naa-address ‘yung pinagmumulan ng labanan na ‘yan ay hindi talaga matatapos. But of course, ‘yun ay...that is a form of struggle na kanilang ginagawa. Mas matanda pa sa akin ‘yan at hindi ‘yan tatagal kung walang pinanggagalingang lehitimong hinaing ng mga mamamayan. Precisely why we feel na importante ang paglahok natin sa Kongreso, sa Senado, para magkaroon din ng ibang venue para maitulak natin ‘yung mga pagbabagong kailangan sa lipunan.
On his achievements as congressman
AC: Ang tagal niyo, ano? Natapos niyo ba ‘yung termino ninyo sa Kamara?
TC: Opo. Nine years po ako sa Kongreso.
AC: Puwede bang malaman [kung] ano ‘yung naging mahalagang naiwan ninyo noon na pwedeng dalhin ninyo sa mataas na kapulungan? Dahil baka hindi alam ‘yung ibang legislative ano niyo, ‘di ba?
TC: Marami po kasi. ‘Di iba alam ninyo ho ang nagiging problema namin sa Kongreso, maraming mga batas na pinangunahan ng mga party-list groups ang naaprubahan sa Kongreso, pero dahil walang nagdadala sa Senado ay hindi nagiging batas. Nitong huli lang, mayroon tayong bill para magtayo ng mga rehabilitation centers para sa mga batang may kapansanan. This is an advocacy ho namin sa Bayan Muna for persons with disabilities. Na-approve ho ‘yan sa House, pero dahil walang nag-file ng counterpart sa Senado at parang wala sa kanilang priority, hindi naging batas. Sayang. Marami sanang makikinabang. O kaya ‘yung ating bill na ini-increase ‘yung pension ng ating mga SSS dignitaries to 5,000 [pesos] a month, dahil wala ring counterpart sa Senado, hindi rin naging batas. So ito ‘yung mga klase ng mga panukala na madadala natin ngayon sa Senado kung sakali.
On the issue of abolishing party-lists
AC: Ano ho ‘yung pananaw ninyo na parang ‘yung diskurso ng mamamayan sa party-list, dumadami, ano? Na aksaya lang daw ng pera at hindi raw ho talaga kumakatawan sa mga marginalized sector. Sa hanay niyo nga, may mga nakuwestiyon pa kung sino ‘yung mga pekeng party-list o hindi eh. Panahon na ho ba, although constitutionally, pinapayagan naman...panahon na ho bang balikan ‘yung party-list kung talagang kailangan siya o alisin na lamang siya?
TC: Sa tingin ko kailangan siya, dahil ang problema natin sa ating Kongreso... Ito ay Kongreso ng mga mayayaman. Kung wala tayong espesyal na mekanismo para ang ating mga mahihirap, mga marginalized sectors, magkaroon ng boses, talagang mahihirapan. Nag-file ho kami ng pag-amamiyenda sa Party-List Law para matiyak natin ‘yung magku-qualify ay talagang kumakatawan sa marginalized sectors. Marami ho kasi sa party-lists ngayon na ang nasa likuran ay malalaking politiko rin o political dynasties, malalaking negosyo o political operators, at tingin ko, alam naman ng Comelec ‘yan, pero dahil nga, alam mo na, may usapin rin sa integrity ng proseso sa Comelec, e nabibigyan sila ng registration.
On the rumors of Akbayan being a “fake” party-list
HS: Isa ba kayo sa naniniwala na ‘yung Akbayan ay fake party-list?
TC: Well, hindi sa fake, pero sila ngayon ay nasa puwesto na. They are in positions of power. Halos lahat ng top officials nila ay appointed na sa Malacañang, may mga cabinet ranking pa. So, [sa] tingin namin, hindi na sila dapat sumawsaw pa doon sa sistemang naka-reserve sana sa marginalized [and] underrepresented.
AC: Hindi na sila marginalized?
TC: Opo.
On media corruption
HS: So isa kayo sa mga politiko na medyo vocal sa media corruption, dahil naalala ko, isa kayo sa mga iilang kandidato lang na dumating doon sa pirmahan ng Covenant Against Media Corruption before the campaign period na ito. At may mga ikinukwento kayo na specific instances ng media corruption, especially during campaign period. Sa observation ninyo so far, rampant pa rin ba ang media corruption or nabawasan? Ano ang masasabi ninyo tungkol sa envelopmental journalism, at ano pa ba ang ibang methodologies ng media corruption sa ngayon?
TC: Ang tingin ko kasi, sa ngayon, ang pangunahing makakasagot niyan ay ‘yung mga kapatid natin sa media. For example, ‘yung sinasabing prinsipyo na dapat ang coverage ay walang kapalit na bayad. Pero it has been an industry practice, lalo na sa panahon ng eleksyon, na ‘yung mismong may-ari ng istasyon, mga management mismo ng istasyon, ang nagsasabi na kailangan may kontrata ka bago ka ma-interview o bago ka ma-cover. ‘Yun ba ay corruption or is that part of the ordinary practice? Hindi ads eh, coverage. Kaya may sinasabi minsan, package na kasama sa TV or radio advertisements, interviews... Ito naman ay, again, common practice nga, at ano ba ang tingin ng media diyan? Is that media corruption?
AC: So ‘yung pakete, may amount ‘yun na babayaran?
TC: May mga ganiyan, mga package rate. Ako kasi, ang kinasanayan ko, kahit noong nasa Kongreso pa kami, hindi kami nagbabayad, because kami nga ay ini-interview dahil kami ay may malinaw na paninidigan, because we are worth covering. Pero tuwing eleksyon, parang nag-iiba ‘yung nature ng coverage, at ‘yun ay malaking hamon sa amin, dahil hindi namin kaya ‘yung gano’ng klaseng rules of the game.
On the fairness of media coverage of the 2013 National Elections
AC: Nabanggit mo na rin ‘yung media. Naging fair ba ang media sa pag-cover sa’yo compared na ang prominente nga ‘yung UNA at LP. Sa’yo, naging fair ba?
TC: Ako po, walang reklamo. I think the media has been fair so far, and I think nakumpirma na tama ‘yung desisyon kong maging independent, dahil at least, narinig nang buo ‘yung aking mensahe sa pangangampanya. Ang nagiging problema kasi ‘pag may kasama kang malaking grupo, nalulunod ka sa iba't ibang issues e.
On the alleged illegal placing of his campaign posters
AC: Ang isa kong napuna, ito'y madalas na iparating na sumbong na fiesta ng Quiapo, ibang malalaking events, ‘yung poster mo yata ang madalas na nakikita, at alam ko nakarating na rin sa’yo ‘yun na parang illegal ang pagkakalagay ng mga posters mo. Paano mo maipapaliwanang ‘yun? Ito ba'y nasa kaalaman mo o mga supporters mo lang ‘yun? Dahil nandoon ‘yung nais na mas makilala e.
TC: Hindi pa sa illegal e, dahil lumabas ‘yung mga posters na ‘yun before the campaign period. At siyempre, practice na sa marami nating mga lugar na kapag fiesta, ‘pag pupunta ako roon, ‘yung mga kasama natin, naglalagay sila ng welcome streamers, dahil syempre, sila ay natutuwa na bumibisita ang isang national figure. At minsan, kahit wala ka nang kinalaman doon, kami ay nagre-rely lang sa volunteers. Talagang kusa nila ‘yan. ‘Yung sa Quiapo nga...halimbawa noong nabalitaan ko na nag-post ng pagbati ‘yung ating mga kasamahan sa Maynila ay ni-request natin na ibaba, kasi may panawagan mismo ‘yung simbahan na walang maglalagay ng ganoong klaseng ads. Sa ibang lugar naman na hindi ipinagbabawal, ang sinasabi lang natin kung ano ‘yung appropriate. Kung ako ay pupunta, hindi naman siguro masama na ‘yung barangay ay maglalagay ng “Welcome,” basta wag lang ‘yung sobra-sobra na na hindi na maganda sa pananaw.. All in a matter of taste lang naman ‘yan.
On the Cybercrime Prevention Act of 2012
HS: ‘Yung Cybercrime Law, pumasa sa Kongreso at napirmahan bago nabigyan ng TRO at tinutulan ng maraming sektor. Paano ba nakapasa sa Kongreso ‘yun? Now that we know maraming...
TC: Actually, noong sa Kongreso ‘yan, talagang nabantayan namin ‘yan, at ‘yung [sa] version ng House, pina-delete namin diyan ‘yung online libel. Pina-delete namin ‘yung pagsara ng websites nang walang court order, pati ‘yung monitoring and surveillance of internet traffic data nang walang court order.
HS: So lahat ng controversial provisions ngayon ay, bago lumabas ng House, wala siya?
TC: Nalinis namin. Ang problema, ‘yung version doon sa Senado at doon sa Bicameral Conference meeting, dito pumasok ‘yung mga sinasabing unconstitutional, controversial provisions. Kaya nga noong ito ay pinirmahan na sa batas at nakita natin ano ‘yung final version, tayo ay naghain agad ng amendatory bill sa Kongreso. At the same time, tayo rin ang naghain ng reklamo sa Korte Suprema para kuwestyunin ‘yung naging batas na pinirmahan ni Pangulong Aquino. At malaking bagay na nakakuha tayo ng indefinite TRO, and hopefully ay mabigyan ng pagkakataon ‘yung Kongreso na maitama ‘yung mga maling nakalagay sa batas.
On the Sabah standoff
AC: Nanguna ang Bayan Muna sa protesta sa embahada ng Malaysia. Ano ho ba ‘yung nakita ninyong mali rito at bakit kinailangan na magsunog pa raw ng larawan ng Pangulo at ng Prime Minister ng Malaysia?
TC: Well, ang mali dito, unang-una, hindi dapat gumamit ng military action ‘yung Malaysia at sila naman ang may control doon sa area na ‘yun. And tingin ko, pwede pang idaan sa diplomatic and peaceful resolution ‘yung problema kahit nandoon na ‘yung ating mga kababayan at hindi naman estranghero doon ‘yung ating mga kababayan. ‘Yung mga kapatid nating Muslim sa Sulu at Tawi-Tawi, patawid-tawid naman sila doon. May mga kamag-anak sila doon. ‘Yung iba, may mga bahay pa roon. So tingin ko, hindi kailangan na umatake sila, and secondly tingin ko nagkamali ang pamahalaang Aquino sa pag-handle sa problemang ito, at naiwasan [sana] ‘yung kaguluhan kung noong una pa lang ay nakipag-usap na ang Pangulong Aquino dito kay Sultan Kiram at sa kaniyang mga kasamahan, dahil wala namang bagay na hindi nareresolba sa pag-uusap. Ang problema, ni hindi nakapag-usap.
AC: May ugong about impeachment kay Pangulo dahil may mga betrayal of public trust or treason. Ikaw, nakatutok ka sa mga impeachment proceedings sa Kamara nu’ng araw ano? Panahon ba ngayon na…
TC: Well, hindi ko pa alam kung sapat na…but definitely, na-undermine ‘yung ating claim sa Sabah dahil sa naging posisyon ni Pangulong Aquino doon sa naging aksyon ng Sultanate of Sulu. Sa pagmamaliit ni Pangulong Aquino kay Sultan Kiram at sa kaniyang mga kasamahan, parang namaliit na rin ‘yung claim natin sa Sabah at sa hindi, ‘yung hindi siya nakipagdialogo man lang sa heirs ng Sultanate of Sulu e sila naman talaga ‘yung legally mayroon silang dokumento na kaugnay ng claim sa Sabah. E talagang hihina ‘yung claim ng gobeyerno.
AC: Tanggap mo ba ‘yung nawala yung sulat?
TC: Alam mo, hindi katanggap-tanggap na dahilan ‘yun e. Sa Kongreso ho, we receive hundreds of letters a day. Sa nine years ko sa Kongreso, wala pa ho akong natatandaan na nawala namin ‘yung sulat. Lalo na ito, tingin ko napakahalaga ng isyu na para mawala ‘yung sulat ni Sultan Kiram e parang hindi kapani-paniwala.
AC: So mas totoo ‘yung winala kaysa sa nawala?
TC: ‘Yun na nga, may pagmamaliit ang pamahalaang Aquino sa heirs ng Sultanate of Sulu, at ito ay matagal nang nagaganap, ‘yung marginalization ng sultanate. At to think na ang Sultanate of Sulu, nauna pa sa gobyerno ng Pilipinas ‘yan, so dapat, may kaunting importansya, may kaunting respeto pa rin na ibinibigay sa kanila. And that would have prevented many things kung naging mas bukas lang at mas mapang-unawa ang ating pamahalaan sa ating mga kapatid na Muslim.
AC: Sa tingin mo magiging sentro ng isyung pampolitika ngayong eleksyon itong Sabah at posibleng maapektuhan…
TC: Malamang sa nangyaring ito, I think the question of the Sabah claim will be a key issue in the elections. Alam niyo po, ang Senado ang nagfo-folley ng foreign treaties, foreign policies natin, kaya hindi ito maiiwasan. At I think it's about time na i-revive itong claim, siyempre through diplomatic efforts. Tingin ko, kailangang ma-involve diyan ‘yung Sultanate of Sulu, at least the heirs, ‘yung gobyerno ng Pilipinas, at ‘yung gobyerno ng Malaysia. Hindi puwedeng hindi pag-usapan e. At siyempre, kinikilala naman natin na historically, ang political authority sa ngayon ay ‘yung Malaysian government. Pero hindi pwedeng ganiyan na lang. Kailangang pag-usapan talaga kung anong gagawin sa claim, what is the acceptable compromise among the three parties to the claim.
On what can be expected of him as a senator
AC: ‘Pag kayo po ay pinalad sa Senado…kilala kayong kritiko ni Pangulong Noynoy. Ano pong magiging role ninyo doon?
TC: Ang naging role namin sa Kongreso has always been pambalanse doon sa mga gustong manatili ‘yung kasalukuyang problema ng sistema natin, and we have always been a genuine opposition to the existing political and economic...mga istruktura sa politika at ekonomiya na sa tingin namin ay nakakadehado sa aming mamamayan. At ganoon pa rin ang magiging papel namin, a critical voice against corruption, against abuse, laban sa monopolyo ng kapangyarihan sa politika at ekonomiya at tagatulak ng mga reporma sa ating bansa.
AC: So isang aktibong Senador ang maasahan namin sa inyo.
TC: Isang umaatikabo at aktibong-aktibo. Tatlong bagay sa akin ang importante e. Una, ‘yung usapin ng tunay na repormang agraryo. Hanggang ngayon, malaking problema sa agrikultura natin. Ngayon ‘yung mga magsasaka mismo hindi nakikinabang e, hindi umuunlad, at kailangan na nating baguhin ‘yung kasalukuyang programa sa repormang agraryo at palitan natin ng mas maka-magsasakang batas na magtitiyak na uunlad talaga ‘yung kanilang buhay. Hindi ‘yung simpleng bibigyan lang ng lupa, kundi kumpleto sa pakete ng suporta. Pangalawa, ‘yung pag-revive ng ating mga industriya. Ang dami na hong industriya natin ang nagbagsakan dahil sa maling patakaran sa importasyon, investment liberalization, ‘yung smuggling. So kailangan ng proteksyon sa ating industriya para matiyak naman natin ‘yung permanenteng trabaho at mas maayos na sahod sa ating mga manggagawa. And of course, ‘yung problema ng presyo, palagi hong problema ang proposal ho namin i-repeal na ‘yung Oil Deregulation Law saka i-revise ‘yung Electric Power Industry Reform Act para maibaba natin ang presyo ng basic utilitites. Pati ho ‘yung Value-Added Tax, kailangan alisin na sa mga basic utilities.
On why people should vote for him
AC: Dugtong ko na rin ho ‘yung huling tanong ko. Bakit kayo karapat-dapat iboto na kandidato sa darating na eleksyon?
TC: Kailangan ho akong suportahan dahil importanteng magkaroon ng boses at kinatawan ang karaniwang tao sa Kongreso, at tingin ko, tapos na ang panaahon na puro na lang malalaking politiko, puro na lang mga dynasties at puro na lang milyonaryo at malalaking tao, ang nasa Senado. It's about time [na may] kumakatawan sa interes ng ordinaryong Pilipino. ‘Yan po ang naging track record ko ng siyam na taon sa Kongreso at labinlimang taon sa kalsada. Sa tingin ko, makabubuti kung may ganiyang boses, bagong representasyon sa Senado.
HS: Ano ang strengths and weaknesses mo?
TC: Ang strength ko po, ‘yung aking track record, tingin ko. Twenty-four years na po akong nasa ganitong larangan, mula kalsada hanggang Kongreso, at consistent po ‘yung ating paninindigan. Hindi tayo nabahiran ng ano mang anomalya o kontrobersiya. Pangalawa, ‘yung ating plataporma mismo. Ito ay plataporma ng tunay na pagbabago para sa karaniwang tao. ‘Yung weakness siguro, kung mayroon mang weakness, ay ‘yung perception ng ating mga kababayan na kapag ikaw ay nagtutulak ng makabuluhang reporma, pagbabago sa sistema, ikaw ay rebelde, ikaw ay kaliwa o extreme left ka nga. Siguro ‘yun lang ang masasabi kong issue na inuungkat sa akin. Walang issue sa aking track record, sa aking plataporma. Ang issue lagi, ‘yung image, makakaliwa, baka rebelde, na sa tingin ko naman, panahon na para bumitaw tayo sa ganiyang bansag, sa ganiyang mga labels, and see a candidate for what he truly has done and what he wants to be.
AC: Maraming salamat po, Congressman. ‘Yan po ang ating nakasamang kandidato, Congressman Teddy Casiño.
TC: Salamat po.--Mara Cepeda/RAD, GMA News