Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs

Full Transcript: Mitos Magsaysay on 'Kandidato 2013'


Mitos Magsaysay on Kandidato 2013"Seatmate." that's how UNA senatorial candidate Mitos Magsaysay describes her relationship with former president, now Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.

In her appearance on the GMA News and Public Affairs' special election series "Kandidato 2013," Magsaysay said that she's neither the defender nor the protector of the former president, and that the only reason why people still associate her with Arroyo is because they're seatmates in congress.

The senatorial candidate also discussed her stand on pork barrel, her thoughts on uncle Jun Magsaysay running for senator under the Liberal Party, and why she's so critical of the current administration.

-

ARNOLD CLAVIO (AC): Magandang gabi po, ang kandidatong makakasama natin ngayong gabi si Congresswoman Milagros "Mitos" Magsaysay. Magandang gabi po.

MITOS MAGSAYSAY (MITOS): Magandang gabi, Arnold.

MALOU MANGAHAS (MM): Magandang gabi po.

MITOS: Magandang gabi, Malou. Magandang gabi sa lahat ng nanonood ng programa ninyo.

On her alleged closeness to former President Gloria Macapagal-Arroyo

AC: Okay, diretsuhan na tayo: Liability ba o medyo may problema ‘yung pagiging ally n’yo ni Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo? Ito ba ay makakatulong sa inyong pagkandidato?

MITOS: Well other people say it's a liability kasi meron siyang mga issues against her pero sabi ko nga po I'm not her keeper. I'm not her protector. I'm not her defender and I was not part of her ‘implementors’ in the last administration.

AC: Paano nangyari ‘yun na nagkaroon ng ugnayan o relasyon?

MITOS: Kaya lang siguro ako na-associate sa kanya kasi ‘pag nakikita siya sa TV ngayong congresswoman siya, lagi akong katabi. Kasi nagkataon, seatmate ko siya. Ginawa kaming seatmate ng Congress kasi Magsayaysay ako, Macapagal siya, so ‘yun lang ‘yung closeness namin eh.

On being critical of the PNoy administration

MM
: Ang flip side po noon lagi daw po kayong bumabatikos kay PNoy. Wala po ba kayong nakikitang magandang nagawa?

MITOS: Hindi naman si PNoy ang kalaban ko eh, ‘yung issues lang at programa na nakikita kong may problema. There are so many times na pinuri ko siya, ‘yung simplicity ni PNoy, ‘yung pagka-start ng kanyang administration na tinanggal niya yung wang- wang. Sinet niya ‘yung tone as far as ‘yung demeanor ng government officials. Pangalawa, nakita ko naman na meron siya talagang puso to serve the country. ‘Yun nga lang, ‘yung ibang mga appointees niya, dun ako may problema. Kasi sayang eh, ang ganda ng trust ratings ni PNoy nung una pero ‘yung ibang cabinet officials niya, inefficient tsaka ineffective, and alam mo, ang nagpapalaki lang ng issue between me and PNoy is his Cabinet Secretary na lagi kong kino-call out sa kongreso. Hindi yata sila sanay sa constructive criticism.

On her PDAF

MM
: Yun pong sa personalan na sabi n’yo hindi ito kay PNoy. Pero ‘yun pong PDAF ninyo o pork barrel, mula 2010 ay umabot lamang sa P15 million pesos ang naibigay sa inyo.

MITOS: Tama po.

MM: Ito po ba ay paninikis sa inyo o sila ang namemersonal?

MITOS: Ah, definitely po namemersonal na po sila kasi sinabi naman ni Butch Abad na political realities daw kung bakit ayaw nila akong release-an ng PDAF. Sabi ko, alam mo kung galit kayo sa akin dahil lagi ko kayong nababatikos, ‘yung mga programa ninyo, don't take it out on my constituents. They deserve the PDAF for their district. Kasi tax payers din naman ‘yung constituents ko. Everyone is entitled to their share. Bakit mo ipagkakait sa constituents ko ‘yung PDAF, eh ‘yung iba doon bumoto rin kay PNoy as president. He is not only the president of those who supported and voted for him but he's also the president of those that did not support and vote for him. Kaya para sa akin, kung talagang daang matuwid ang talagang gusto nilang i-espouse, dapat fair sila sa pagre-release ng PDAF sa lahat ng distrito.

MM: Nasobrahan naman daw kayo nung panahon ni Pangulong Arroyo naman, so historical justice daw ito. So ‘yung dating drought ang PDAF, eh ngayon eh mas –

MITOS: Ano ‘yung sinasabi nilang sumobra, ma'am? Wala nga akong halos nakuha noong panahon ni GMA.

MM and AC: Wala rin?

MITOS: Actually, ‘yung PDAF ko ang inaasahan ko. Kung titingnan nila ‘yung track record ko nung panahon ni GMA, hindi ako ‘yung favored one ni GMA. Wala nga akong extra dahil wala nga akong ambulansyang nakuha sa PCSO. Wala akong nakuhang lump sum appropriation, hindi nga ho ako kasama sa biyahe. Hindi po ako kasama sa mga fertilizer issue, wala nga eh. Kung ano lang ‘yung regular PDAF ko plus ‘yung regular infra sa district ko na ‘yun, ‘yung binibigay sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Wala akong nakuhang millions or billions kay GMA kaya how can they say na merong excess na napunta sa distrito ko?

AC: Balikan ko lang ‘yun. Two years kang walang PDAF, pero binibida mo rin, Congresswoman, na may libre kang pandentista o sa ngipin o may libre ka sa panganganak o sa medical ano? Libre. So ang tanong lang, pwede pala ano, pwede palang walang pork barrel, pwede ka maglingkod? At pangalawa, imposible talagang libre ‘yun ano? Saan mo kinukuha ‘yung ibang gastusin doon sa libre na ‘yun?

MITOS: Nalungkot po talaga ako na hindi naibigay ‘yung PDAF ko pero sabi ko, kesa umiyak na lang ako sa isang tabi at sabihin ko wala na tayong PDAF, wala na tayong tulong, nagsumikap po ako. Naghanap ako ng pondo at doon ko nakita na kapag ikaw ay isang credible na mambabatas, walang bahid-dungis ang pangalan mo, maraming mga private corporations na tutulong sayo. Binuhos po nila ‘yung corporate responsibility nila sa distrito ko. At hindi po ako humihingi ng cash. Kung ano po kailangan ng distrito ko, nililista ko lang po, sila na bumibili. In kind dinadala sa distrito ko. Tapos ina-account ko down to the last tablet po ‘yung mga gamot na binibigay nila tsaka reagents. Kasi ayaw ko na mabahiran ‘yung pangalan ko, masira ‘yung kredibilidad ko. Kaya nga maswerte ako na kahit na hindi nire-release ‘yung PDAF ko, which is unfair, naipagpatuloy ko pa rin ‘yung libreng pagamutan ko sa distrito ko araw-araw.

AC: So sa senado ka na, kung mabibigyan ng pagkakataon at gigipitin ka rin at walang pork barrel, okay lang sa ‘yo ‘yun?

MITOS: Alam mo para sa akin, natuto na ako na walang pork barrel eh. Sa totoo nga, honestly dapat walang pork barrel ang mga legislators para mag-focus naman sila sa legislation at hindi sa executive function ng isang congressman or senator. Kasi ‘yung iba napapansin ko, imbes na mag-focus sa passing laws, amending laws, repealing laws and reviewing the law, naka-focus lang sila sa projects tsaka sa pwede nilang i-uwi sa distrito nila, hindi na sila pumapasok sa congress.

On being dubbed as the "dragon lady" of the Congress

AC: Congresswoman, kilala rin kayo bilang dragon lady, eh. May katarayan po sa kongreso, pero pagdating sa pamilya parang iba naman po yata ang ugali n’yo pag nasa bahay. Hindi daw kayo makitaan ng pagdisiplina. So paano ‘yun, bakit nagkakaroon ng ganon?

MITOS: Actually, naging matapang na lang po ako sa kongreso kasi kailangan ko ipaglaban ‘yung kapakanan at interes ng distrito ko. Eh kung hindi ka magsasalita sa congress, paano mo ipu-push ‘yung advocacy na gusto mo i-push sa congress, lalo na kung may problema ‘yung constituents mo? If you're not going to be vocal, you will not be able to fight for their interest. Pero ako naman ho, within the walls of the congress lang naman po ako ganon. Outside congress, napakabait kong tao, very malambing po akong tao. Cariñosa ako, kengkoy pa nga po ako eh. Napakabugak ko po. Masang-masa ako pagdating sa labas ng kongreso.

MM: Ano po ‘yung pinaka-jologs n’yong nagawa o pinakamasa n’yong nagawa?

MITOS: Alam n’yo po sa distrito ko kasi, wala akong demarcation line ng mga constituents ko tsaka ako. Diretso lang po ako. Kung kumakain po sila ng street food, ako rin po. Dun nga po ako palagi sa mga bara-barangay sa amin eh.

On being in the same party as Dick Gordon

MM: Iyon pong isyu ng political dynasty, kalaban n’yo dati, pamilya Magsaysay, ‘yung pamilya Gordon and in effect, kayo ‘yung nagtumba sa poder nila sa Zambales. Tapos nasa kabilang partido naman ang inyong uncle na si Jun Magsaysay. Paano n’yo po hina-handle ito? Partner n’yo ngayon sa coalition sa UNA si Mr. Gordon at sa kabila naman, si uncle n’yo, si Jun Magsaysay?

MITOS: Actually, sa local level magkalaban kami ng Gordon pagdating sa local politics, pero professional akong mambabatas eh. Siyempre pwede naman kaming magsama ni Dick on a lot of advocacies na we might both share so that's no isssue to me.

On her uncle Jun Magsaysay running under the Liberal Party

MITOS
: Pagdating naman po sa uncle ko, ako naman po ang unang nag-signify na gusto kong tumakbo. Pero sa akin naman, hindi naman po balakid ‘yung dalawang Magsaysay kasi sa automated elections naman po, pwede kang bumoto ng dalawang Magsaysay.

MM: Nag-usap ba kayo tungkol doon? Hindi po ba parang kinargahan nila ng Magsaysay ‘yung partido ng LP, ‘yung coalition para kayo ay i-shut out o –

MITOS: Nung 2011, sinabi ko na po na may balak akong tumakbong senador. Hindi naman po nag-signify ‘yung uncle ko na gusto n’yang tumakbo sabi kasi n’ya, politically retired na daw s’ya at magiging gentleman farmer na lang daw s’ya kaya nagulat po ako kasi ‘di ba in-announce ako ni Vice President Binay ng March? Biglang in-announce ni Senator Drillon na tatakbo ‘yung uncle ko ng May. So hindi po ako ‘yung dapat magpaliwanag, ‘yung uncle ko dapat ang magpaliwanag bakit s’ya tumakbo knowing na na-announce na ako at never n’ya sinabi na gusto n’ya tumakbo. Kasi kung gusto pala n’yang tumakbo, nung una pa sana, sinabi n’ya sa akin, baka pinagbigyan ko pa ho s’ya kasi mas matanda ho s’ya. Pero ngayon mahirap naman po, nauna ako nag-signify eh.

On political dynasties

MM
: Ang Magsaysay clan, ang mga Diaz, magkakamag-anak po ano? Ano po ang inyong silip? Ayaw ng konstitusyon ng mga political dynasties.

MITOS: ‘Yun nga po ang nakakalungkot kasi nung ginawa po ‘yung Cory constitution, hindi po naging maliwanag yung issue ng political dynasty. Sana klinaro na nila kung ano yung ibig sabihin ng political dynasty para wala nang gray area sana na pwede naming i-interpret another way. Alam mo lagi kaming tinatanong kung ipapasa ‘yang political dynasty sa kongreso, ako na mismo magsasabi hindi ‘yan papasa kasi karamihan po ng nakaupo na congressman at senador, may kamag-anak sa local level. Mas maganda siguro mag con-con na lang ulit, constitutional convention at sila na mismo ang mag-frame kung paano ba ang gusto nilang provision sa political dynasty, kasi they are out of politics. Hindi sila elected officials. Wala silang conflict of interest.

On her SALN

MM
: Tingnan po natin ‘yung SALN ninyo. Mula po 2004, ang net worth n’yo P70 million. Pero nito pong 2001, nagtapos sa P78 million. Ang kapansin-pansin, medyo lumaki yung liability n’yo. P25 million nung 2004, ngayon po nasa P50 milllion. Saan po itong mga pagkakautang na ito?

MITOS: Marami po kasi, ‘yung mga iba d’yan ‘yung business namin abroad. Siyempre kung partner ka ng asawa mo, kailangan mo ipasok yung mga liability n’ya sa mga businesses namin, so that's why nag-balloon po. Tsaka marami pong hulugan na condominium ngayon, eh ‘di ba ho babayaran mo ng five years tapos after the fifth year, pwede mo iutang ulit. So kaya po lumaki at nag-balloon ‘yung liabilities kasi ‘yung mga binibili ko ng hulugan, ten thousand, ten thousand.

AC: ‘Kala ko ‘yung libre mo kasi eh.

MM: Baka ‘ka ko nagkautang-utang kasi kayo dahil sa libreng pagpapagamot.

MITOS: Hindi naman po. ‘Yun lang kasi, siyempre po when you do business, you really incur you know, and I have to put in ‘yung sa asawa ko eh.

MM: So wala naman pong conflict of interest po sa inyong mga pinagkakautangan?

MITOS: Definitely not po, kasi our businesses are not in the Philippines so they cannot also accuse me of using my position to further our business interests in the country.

On her ranking on senatorial polls

AC
: Kumusta ang rating mo sa survey? Sa tingin mo mababago ba ito ‘pag narinig nila paano ka sumagot sa mga issues at malaman ‘yung mga naging programa mo na hindi alam ng iba?

MITOS: Alam mo sa totoo lang, depende kasi kung sino ang nagpa-survey, Arnold eh. ‘Di naman sinasabi ng SWS kung sino nagbayad eh. Depende kasi ‘yan kung anong questions ‘yung tinanong about certain candidates. What's important to me is how the people on the ground react ‘pag nagsasalita na ako. It's not the name who will get me to the Senate. Ang importante po sa akin ‘yung track record, kung ano ‘yung naging outstanding congressman ako for six consecutive years, makuha ko ‘yung highest award, ‘yung Emeritus Award. Hindi naman dahil sa apelyido ko yun eh. Dahil sa ginawa ko ‘yun.

On why she should be elected

AC
: Congresswoman Mitos, bakit kayo karapat-dapat iboto sa Senado ng inyong mga kababayan?

MITOS: Unang-una, sinabi ko na ho, kung gusto n’yo ng kandidatong masipag, hands on, pumapasok, talagang tinututukan lahat ng batas, marunong makinig sa taong bayan, hindi bulag, pipi at bingi, ‘yung kaya pong magsalita para sa kapakanan at interes ninyo, kahit na po minsan eh… you will ruffle some feathers in the administration. Kung gusto n’yo ng kandidato po na hindi kayo bobolahin, ‘yung talagang would call a spade a spade, na ‘yung tipong sulit ‘yung sweldong ibabayad ninyo, siguro you might choose someone like me.

MM: Ano naman po ang kahinaan ninyo? Kung ‘yun ang kalakasan ninyo bilang mambabatas, saan kayo naman mahina o kailangan pang mag-brush up ng skills o karanasan o kaalaman?

MITOS: Para sa akin, ang weakness ko na lang siguro is some people say that my being too frank is a weakness because sometimes hindi ako makikipaglaro sa politika. Kasi feeling ko, kung gagawin ko lang ‘yun, ayoko na lang tumakbo.

AC: Maraming salamat po, Congresswoman Maria Milagros “Mitos” Magsaysay. Kandidato.

MITOS: Thank you, thank you so much to the both of you.

-Mia Enriquez/PF, GMA News