'400 Kilometro', dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
Apat na raang kilometro.
Tatlong araw.
Tatlong tao na may magkakaibang misyon pero pinagbuklod ng iisang destinasyon.
Kasalukuyang nagtatrabaho sa Maynila ang 32 taong gulang na si Reiner. Habang ang kanyang mag-ina, nakatira sa Daraga, Albay. At sa hirap ng buhay, imbis na sumakay ng bus at gumastos ng pamasahe, pumapadyak si Reiner ng mahigit apat na raang kilometro papuntang Bicol para lang makapiling ang kanyang pamilya. Hindi iniinda ang pagod, natutulog sa lansangan at kung minsa'y nakikisakay pa sa mga dumaraang truck.
Minsan nang sinubukan ng 71 taong gulang na si Jorge na magbisikleta hanggang Bicol. Pero pagdating sa isang bayan sa Quezon, hindi na niya kinaya ang pagod at bumalik na lang. Dahil hindi na raw bumabata, hamon ni Jorge sa sarili na matupad ang kanyang pangarap na masilayan ang ganda ng bulkang Mayon. Sa pagkakataong ito, makahugot na kaya siya ng lakas para sa isang panibagong ekspedisyon?
Isang dating scholar din ni Kara David ang kanyang pupuntahanan sa Albay. Sa loob ng limang taon, ngayon pa lang sila magkikita. At papunta sa destinasyon, papadyak din si Kara ng mahigpit apat na raang kilometro, kasama sina Reiner at Jorge.
Magkakaibang misyon pero iisa ang destinasyon. Para sa ika-dalawampu’t tatlong taong anibersaryo ng I-Witness, panoorin ang isang natatanging #dramadventure sa pinakabagong dokumentaryo ni Kara David na ‘400 Kilometro’ ngayong Sabado, November 19, 10:30 ng gabi sa GMA 7.
English
400 kilometers. Three days. Three people with different missions.
32 year old Reiner currently works in Manila while his family resides in Daraga, Albay. To save money, instead of taking the bus, Reiner rides his bicycle for more than four hundred kilometers to visit his loved ones. He fights through extreme fatigue, he sleeps on the streets or hitches a ride – whatever it takes to reach his destination.
Meanwhile, it was ten years ago when 71 year old Jorge first attempted to ride his bike from Manila to Bicol. Unfortunately, his journey came to an end in Calauag, Quezon. Due to fatigue, he had to abort the journey and turn his bike around.
Now, albeit much older, Jorge still dreams of seeing the beauty of Mayon Volcano in person. Can he summon enough strength for one final expedition?
Together with Reiner and Jorge, Kara David travels four hundred kilometers on her bike, as she visits a scholar in Sorsogon which she has not met in person.
As I-Witness celebrates its 23rd anniversary, join Kara David in a one of a kind #dramadventure expedition. Watch her latest documentary "400 Kilometro" this Saturday, November 19, 2022, 10:30pm on GMA 7.#