'Paa, Kamay at Mata', dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa I-Witness!
I-WITNESS
“PAA, KAMAY AT MATA”
HOST: KARA DAVID
AIRING: OCTOBER 8, 2022
Hanggang saan ang kayang gawin ng isang ina para sa pangarap ng kanyang anak? Sa kaso ni Teresa, handa siyang pumasan ng mabigat na sakripisyo para lang makapasok sa paaralan ang anak na si Ella.
Dahil isinilang na may cerebral palsy, hindi magawa ni Ella na umupo o gumapang man lang. Pero sa kabila ng taglay na kondisyon, masigasig ang bata na makapag-aral. Kaya maski mahirap, tinitiyaga ni Teresa na bihisan ng uniporme ang anak pati na ang pagpasan sa kanya para lang makapasok ng eskuwela.
Pero ang ilang mga batang may special needs – nakatira sa liblib at malalayong lugar. Dahil sa kanilang kondisyon, malaking hamon para sa kanila na pumasok sa paaralan. Kaya ang Special Education o SPED teacher na si Venus, naisipang ilapit ang edukasyon sa mga kagaya ni Rommel na visually impaired. Hindi niya iniinda ang maputik at madulas na daan – makapagturo lang sa mga batang may espesyal na pangangailangan.
Tunghayan ang kanilang kahanga-hangang mga kuwento sa pinakabagong dokumentaryo ni Kara David na “Paa, Kamay at Mata” ngayong Sabado, October 8 sa I-Witness, 10:30 PM sa GMA 7.
English
How far can a mother go to help her child reach her dreams? As for Teresa, she is willing to go extra mile, even if this means literally carrying her daughter to reach her school.
Ella was born with cerebral palsy, making it impossible for her to sit or crawl. But despite her condition, Ella is passionate to learn, and for Teresa, this is enough to support her all the way.
In Catanauan, Quezon – some of the children with special needs reside in far flung areas. This motivated SPED teachers like Venus to bring education closer to the likes of Rommel who is visually impaired. She would walk through thick and slippery mud, just to reach these children with special needs.
Kara David tells their inspiring stories in her latest documentary “Paa, Kamay at Mata” on I Witness this Saturday, October 8, 10:30pm on GMA 7.#