'May Lugar Ka Sa Mundo', dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
I-WITNESS
“MAY LUGAR KA SA MUNDO”
Host: Howie Severino
Airing: September 17, 2022
Sa loob ng walong taon, nasaksihan ni Howie Severino ang mabilis na pagsikat ng photographer na si Xyza Cruz Bacani. Isang dating domestic helper sa Hong Kong, nakarating na si Xyza sa iba’t ibang bahagi ng mundo dahil sa kaniyang talento.
Ngayon, sa New York City naman sila magkikita, lugar kung saan siya kasalukuyang namamayagpag. Dito ikinuwento ni Xyza kay Howie nang muntik na siyang malagay sa bingit ng kamatayan at iba pang pinagdaanan niya at ng kaniyang pamilya nitong pandemya.
Itong bagong kabanata ng kaniyang buhay ang nagpapakita ng kahalagahan ng isang dokumentaryo.
“Time is truth,” isang mantra ng mga journalist na sumusubaybay sa mga istorya sa mahabang panahon. Sa tatlong dekada ni Severino sa paggawa ng dokumentaryo, mapalad siyang makahanap ng mga istoryang karapatdapat na sundan.
Bukod tangi ang kuwento ni Xyza hindi lang dahil sa pinagdaanan niya kundi dahil siya rin mismo ay may mga kuwentong sinusundan mula pa noong nagsisimula pa lang siya bilang photographer. Sa New York, mayroon siyang kapwa OFW na naging paksa ng kaniyang documentary series. Isa itong kuwento sa loob ng isang kuwento ng isang dating DH na ngayo’y nagtatagumpay na.
Huwag palalampasin ang “May Lugar ka sa Mundo,” dokumentaryo ni Howie Severino. Ngayong Sabado sa I-Witness, September 17, 2022, 10:30pm sa GMA.
English
For eight years, Howie Severino and his documentary team have been tracking the meteoric photography career of Xyza Cruz Bacani, the former nanny whose talents have brought her to far corners of the globe.
They meet up with Xyza again, this time in New York City, the site of her latest achievements. But she also reveals to them a near-death experience and the tragedies that have struck her family during the pandemic.
This latest installment of her life journey is fresh proof of the value of a classic approach to documentary.
“Time is truth,” is a mantra for journalists able to follow a story over long periods. Throughout Severino’s 30-year career doing documentaries, he’s been lucky to encounter stories worth following over a long time. But Xyza has been a unique find, because she has been documenting her own stories over time, evolving from the wide-eyed rookie that the team first met in Manila to a respected veteran in her own right. In New York, she has been following an OFW like her, producing a story within the story of the former nanny that the I-Witness team has been fortunate enough to trail.
“May Lugar ka sa Mundo” airs this Saturday, September 17, 2022, 10:30pm on GMA.