Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Transnene', dokumentaryo ni Mav Gonzales, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


I-Witness
“Transnene”
Host: Mav Gonzales
Airing: September 10, 2022


 

Transgender ang tawag sa isang taong kinikilala ang kanyang sarili na taliwas sa kasarian noong siya ay isinilang. Madalas man nating marinig, kailangan pa ng mas malalim na pag-unawa sa kahulugan nito at sa pinagdaraanan ng mga transgender.

Halimbawa, para sa mga konserbatibong sistema katulad ng ilang eskuwelahan, ang mahabang buhok ay hindi porma. Ito ang nangyari sa 19 taong gulang na si Jade, ipinanganak na lalaki pero isang transgender woman o transwoman. Matupad pa kaya ang pangarap niyang makapagmartsa sa graduation?

 

 


Sa kaso naman ni Ashley, napagkakamalan siyang babae kapag gumagamit ng palikuran para sa lalaki. Mahaba rin kasi ang kanyang buhok at balingkinitan ang katawan. Katorse anyos pa lang si Ashley pero alam na niyang transwoman siya. Transnene ang tawag nila sa kanilang grupo. Sa murang edad ay umiinom na ng pills si Ashley para magkaroon ng hubog ng katawan ng isang biological female.

 

 

May kamahalan ang mga ligtas na pills at hindi ito kayang tustusan ni Ashley. Subalit ang magmukhang babae sa kanyang pisikal na kaanyuan ay isang bagay na nagpapasaya sa kanyaa, lalo na ngayong sasali siya sa prestihiyosong beauty pageant sa kanilang barangay. Makatutunggali niya ang ilang miyembro rin ng LGBTQIA+. Makamit niya kaya ang inaasam na korona?

 

 

Kilalanin silang mga “Transnene” sa dokumentaryo ni Mav Gonzales para sa I-Witness. Sabado, September 10, 2022, 10:45pm sa GMA.

English

The word “transgender” – or trans – denotes an umbrella term for people whose gender identity is different from the sex assigned to them at birth. We may often hear it but its meaning is still yet to be fully understood in a conservative society.

14-year-old “Ashley” calls herself a “Transnene.” She knows she is a transwoman at her early age but most of the issues stemming from her being a transgender come from the long hair she is sporting. She takes pills to aid her physical transformation.

Same goes for 19-year old “Jade” who trended on social media because her school did not allow her to attend this year’s graduation march. She is also taking pills because of her desire to look like a biological woman.  Meanwhile, Ashley is also in the midst of a battle. She joins a pageant catering to LGBTQIA+. Will she able to wear the crown?

Mav Gonzales gets to know them up close as they fight against discrimination and promote gender rights. “Transnene” airs this Saturday in I-Witness, September 10, 2022, 10:45pm on GMA.#