'Usok sa Gubat', dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
I-WITNESS
“USOK SA GUBAT”
HOST: KARA DAVID
JULY 23, 2022
Taong 2015 unang narating ni Kara David ang isla ng Sibuyan sa probinsya ng Romblon. Nakilala niya noon ang magkakapatid na Dizza, James, at JR na maagang namulat sa pagbabanat ng buto. Dahil ulila sa magulang, nabuhay sila sa pagkuha ng dagta mula sa mga puno ng balau. Makalipas ang pitong taon, nakalaya na kaya sila sa sitwasyong bumihag sa kanilang kabataan?
Sa kanyang pagbabalik-Sibuyan, makikilala ni Kara ang isang pamilya ng mag-uuling. Dahil may kapansanan at hirap sa paglalakad ang amang si Nono, tulong-tulong ang lima niyang anak sa pamumutol, paghuhukay, pagsasalang hanggang sa paghahango ng nilutong uling. Ang pinakabata sa mga anak ni Nono, ang limang taong gulang lang na si Samuel.
Tunghayan ang kanilang kuwento sa pinakabagong dokumentaryo ni Kara David na “Usok sa Gubat” ngayong Sabado sa I-Witness, July 23, 2022, 10:30pm sa GMA.
English
When Kara David first visited Sibuyan Island in Romblon in 2015, she met siblings Dizza, James, and JR who were exposed to working at an early age. After losing both parents, they made a living by gathering sap from balau trees. What happened to their lives after seven years?
As Kara embarks on a trip back to Sibuyan Island, she meets a family of charcoal makers. Nono, the head of the family is a person with disability so his five children help him from gathering twigs, digging the pit, until selling the charcoal. The youngest of the siblings is Samuel who is only five years old.
Watch Kara David's latest I-Witness documentary, “Usok sa Gubat” this Saturday, July 23, 2022, 10:30 PM on GMA.#