'Mga Barya ng Pagsanjan', dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
I-WITNESS
Howie Severino
July 16, 2022
May napakagandang premyo para sa mga turistang naglalakas loob suungin ang rapids ng Pagsanjan.
Pero para sa ilan, may kakaibang yaman din ang naghihintay sa ilalim ng ilog nito.
May mga kusing ng kasaysayan na matatagpuan sa ilalim ng Pagsanjan river. Mga ginto at barya mula pa sa sinaunang panahon na maaaring sulyap sa pamumuhay ng ating mga ninuno.
Tulad na lang ng gold nuggets na Piloncitos. Sinliit ng butil ng bigas, ilang daang taon itong naghihintay sa ilalim ng ilog. May ilang lokal na maninisid ang nagtitiyagang suyurin ang ilog para ibenta ang kanilang nahanap sa mga numismatiko o coin collectors.
Patunay ito sa modernong sistema ng pangangalakal ng ating mga ninuno na higit pa sa barter. Patunay rin ito sa papel ng Laguna sa mayabong na ekonomiya sa Timog Silangang Asya, bago pa man dumating ang mga Kastilang mananakop.
Dadayuhin ni Howie Severino ang sentro ng bayan ng Pagsanjan hanggang sa makikitid na daanan ng ilog nito patungo sa Pagsanjan Falls.
Matapos ang dalawang taong pagsara ng river rapids sa publiko dahil sa pandemya, muli nang makikita ang sikat na falls na naging lokasyon ng isang napakasikat na pelikula.
Tuklasin ang “Mga Barya ng Pagsanjan,” dokumentaryo ni Howie Severino ngayong Sabado sa I-Witness, July 16, 2022, 10:30pm pagkatapos ng Daddy’s Gurl sa GMA.
English
There is a spectacular reward for tourists who brave the famous rapids of Pagsanjan River until the very end.
But for a very select group of insiders, a different kind of reward awaits in the depths of the river’s murky waters.
Unknown even to authorities in the town, tiny treasures are being found that are opening a window into the nation’s distant past.
Gold coins called piloncitos, some the size of grains of rice, have lain in the debris-strewn bottom of the river for centuries. Intrepid local treasure hunters have been diving without air tanks to comb the sand to find this ancient currency for collectors.
The coins are evidence of a monetary system that preceded the arrival of European colonizers, and an old and sophisticated trading economy based on the Laguna region’s natural wealth.
Howie Severino and his documentary team traverse this storied river from its historical center into the narrow, forested gorges of its interior.
With video shot by an expert drone cameraman, this documentary features rare aerial views of one of the country’s most fabled natural jewels.
After being closed because of the pandemic, Pagsanjan’s rapids and majestic waterfalls have reopened. One of the most celebrated movies of all time was shot along this river gorge. This documentary will show why it was the perfect place.
“Mga Barya ng Pagsanjan” of Howie Severino airs this Saturday in I-Witness, July 16, 2022, 10:30pm in GMA. ##