'Lubo: Kanlungan ng mga Mambabatok', dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
I-WITNESS
LUBO: KANLUNGAN NG MGA MAMBABATOK
Host: Sandra Aguinaldo
Airing: June 18, 2022
Ang salitang “batok” ay hango sa Cordillera na ang ibig sabihin ay tato. Ito ay isang tradisyunal na istilo ng pagtatato kung saan gumagamit ng tinik mula sa puno ng suha, ikinakabit sa stick na yari sa kawayan at abo bilang tinta.
Kinikilala si Apo Whang Od bilang “huling mambabatok” kaya naman kahit gaano kalayo ang Buscalan, Kalinga, dinarayo siya ng mga gustong magpatato.
Subalit sa isang lugar sa katimugang bahagi ng Kalinga, isang tribo ang nagsasabing sa kanila nagmula ang pagbabatok. Sa katunayan, ang isa sa kanilang mga maestro ay natatuan pa si Apo Whang Od noong bata pa siya. At hanggang sa kasalukuyan, aktibo ang naturang tradisyunal na pagtatato at marami pa rin daw mambabatok sa kanilang lugar.
Inalam ni Sandra Aguinaldo ang katotohanan sa kanilang pahayag. Sa kanyang pagpunta sa Lubo, naranasan nya ang tila pagbalik sa nakaraan kung saan nananatili ang napakagandang tanawin at patuloy na pagmamahal sa kasaysayan at tradisyon.
Huwag palalampasin ang “Lubo: Kanlungan ng mga Mambabatok,” dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo ngayong Sabado sa I-Witness, June 18, 2022, 10:30pm sa GMA.
English Version
Batok is a Cordillera term for tattoo. This is a traditional technique of tattooing in Kalinga that uses thorn (from a pomelo tree) bound to a bamboo stick and ash as ink. The design, mostly tribal symbols, is hand tapped on the skin.
Since Apo Whang Od is often described as the last mambabatok, hardcore tattoo lovers from all corners of the Philippines and the world flocked to Buscalan, Kalinga to be inked by the living legend.
But somewhere in Southeastern part of Kalinga, a tribe wants to be equally recognized.
According to the Lubo Tribe, the mambabatok originated in their area. The young Whang Od, according to the elders, was a frequent visitor and was, in fact, tattooed by one of the tribe’s batok masters. Batok is still practiced amongst their people up to this date.
Sandra Aguinaldo scrutinizes the claim and upon doing so, she seems to have travelled back in time when she sees the magical place, meets friendly folks, and learns that history, folklore and tradition still dwells in Lubo.
Don’t miss her latest documentary for I-Witness, “Lubo: Kanlungan ng mga Mambabatok,” this Saturday, June 18, 10:30pm on GMA.#