'Dagta ng Almaciga', dokumentaryo ni Atom Araullo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'
I-WITNESS
APRIL 30, 2022
ATOM ARAULLO TEAM
“DAGTA NG ALMACIGA”
Walong oras na lakad mula sa Tanay, Rizal papunta sa liblib na sitio sa General Nakar, Quezon – ganito kalayo ang paglalakbay na ginagawa ng mga katutubong Dumagat gaya ni Tatay Poling. Ang pakay nila sa masusukal na kagubatan ay ang matatayog na ligaw na punong tinatawag na Almaciga.
Hindi ang kahoy o bunga ng Alamaciga ang kinukuha nina Tatay Poling, kundi ang katangi-tanging dagta nito. Naibebenta nila ito sa mga gumagawa ng pintura, barnis, floor wax, at iba pang produktong gawa sa dagta.
Para makaipon ng sapat na dagtang pambenta, kailangang suyurin nina Tatay Poling ang matatarik na kabundukan. Madalang na raw kasi ang puno ng Almaciga sa kanilang kakahuyan bilang epekto ng malawakang operasyon ng pagtotroso noon sa kanilang lugar.
Itinuturing na yaman ng mga katutubong Dumagat ang kalikasan dahil dito sila kumukuha ng pagkain at kabuhayan. Kaya naman patuloy nila itong pinahahalagahan at ipinaglalaban sa gitna ng nalalapit na pagpapatayo ng malaking dam sa kanilang lugar.
Sinamahan ni Atom Araullo sina Tatay Poling sa kagubatan para tuklasin kung gaano kahirap puntahan at anihin ang dagta ng Almaciga, at kung gaano ito kahalaga sa mga katutubong Dumagat.
Huwag palalampasin ang “Dagta ng Almaciga,” dokumentaryo ni Atom Araullo ngayong Sabado sa I-Witness, ika-30 ng Abril, 10:30pm sa GMA.
ENGLISH VERSION
An 8-hour trek would be the fastest route for the Dumagat people like Poling to cross the provinces of Rizal and Quezon. This long and dangerous trail in the wilderness leads them to the tall endemic conifer trees called Almaciga.
Poling and his fellow Dumagat would go to the Almaciga trees and extract its precious resin. This valuable natural substance is being dried up and is usually sold to the producers of paint, varnish, floor wax, and other products.
For them to gather an ample amount of resin, they would have to climb the steepest mountain slopes where they can find rare adult Almaciga trees. The extensive logging operations in the past decades have endangered many types of trees in the wild, including Almaciga.
For Poling, the mountains and forests are like huge treasure troves that provide them all the resources and livelihood. That is one obvious reason why they are firm with their stand against the upcoming enormous dam construction in the area.
Atom Araullo’s “Dagta ng Almaciga” airs this Saturday in I-Witness, April 30, 2022, 10:30pm in GMA.