24 Oras Na Kainan, Halo-Halong May Pakulo at Paandar na Street Food, tampok sa 'Pera Paraan' ngayong Sabado!
Pera Paraan
24 Oras na Kainan, Halo-Halong May Pakulo at Paandar na Street Food
Date of Airing: April 9, 2022
Heto ang mga Pinoy foodie favorites na binigyan ng kakaibang lasa at anyo ng ating mga madiskarteng negosyante!
Maaaring sabihin na “silog is life” sa ating mga Pinoy. Kaya ang mga silog meal ang bida sa ilang kainan na bukas buong araw. Pero sa kainan ni Ricky, mabibigyan ka ng pagkakataon na buoin ang sarili mong silog combination. Kahit anong silog, kaya raw nilang gawin! Sa kitang umaabot minsan ng 800,000 pesos bawat buwan, isa itong patunay na paborito talaga natin ang silog meals!
Isa namang paborito tuwing panahon ng tag-init ang halo-halo! Sinong mag-aakala na ang pagdadagdag ng black pearls mula sa milk tea ang magpapasarap ng halo-halo ng mag-asawang Robert at Remy? Alamin ang kahanga-hangang kwentong negosyo sa kanilang panalong halo-halo!
Samantala, ang kwento ng dating OFW na si Janina ay isang kwento ng wais na nanay. Walong taong siyang nagtrabaho sa Dubai at umuwi para manganak. Pero nang di na mawalay sa kanyang baby, binuo niya ang kanyang negosyo kung saan bida ang mais. Three hundred pesos lang ang puhunan niya noon para sa tinawag niyang corn burst mukbang. Sakto lang daw ito para sa tatlong kilong mais at iba pang supplies. Pero ngayon, 100 kilos na ang nabebenta niya bawat araw!
Kaya laging tandaan, pera lang iyan, kayang-kayang gawan ng paraan! Abangan iyan tuwing Sabado, 10:45 ng umaga sa GMA!