Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Gulong', dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


 



I-WITNESS
GULONG
Host: Sandra Aguinaldo
Airing: April 9, 2022


Araw-araw na gumugulong sa mga daan, pero oras na maging basura, maaaring maging mapaminsala sa kalikasan ang mga gulong ng sasakyan.

Sa kasalukuyan, 21 metrikong tonelada ang nakokolektang basura sa Pilipinas kada taon. Ang halos apat na milyon dito ay galing sa Metro Manila, kasama na ang mga itinapong gulong.

 

 

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng International Journal of Environmental Research and Public Health, ang mga lumang gulong ang lumilikha ng microplastics na nagdudulot ng matinding polusyon sa lupa at karagatan sa buong mundo.

Mayroong 13 milyong rehistradong sasakyan sa Pilipinas.

 

Sa kasamaang palad, wala pang mga regulasyon ukol sa tamang pagtatapon ng mga lumang gulong. Salat din ang bansa sa mga impormasyon kung ano ang idinudulot ng mga basurang ito sa kalikasan.

Dalawang pasilidad sa Cavite ang kasalukuyang nag-rerecycle ng mga lumang gulong. Binibili nila ang mga ito sa mga taong nagdadala sa kanila. Sa dami ng mga gulong sa Luzon, hindi raw sila nauubusan kada araw.

Para kay Edgar, ang pangongolekta at pagbebenta ng mga gulong ay malaking tulong para makabuhay ng pamilya.

 


Si Rudy naman, bilang trabahador sa isang planta na ginagawang langis ang mga goma mula sa gulong, gaano man daw kahirap at karumi ang klase ng trabaho, ipinagmamalaki niyang marangal na hanapbuhay ito.

 

 

Huwag palalampasin ang pinakabagong dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo sa I-Witness ngayong Sabado, April 9, 2022, 10:30pm sa GMA.

ENGLISH

The Philippines is producing over 21 million metric tons of garbage every year. Almost 4 million metric tons of this garbage come from Metro Mania, including waste tires.

According to a study conducted by the International Journal of Environmental Research and Public Health, “Tires are actually among the most common plastic polluters on earth. It is estimated that tires account for as much as 10% of overall microplastic waste in the world’s oceans.”

In the Philippines, with almost 10 million registered vehicles, about 10 million end-of-life tires are generated yearly. Unfortunately, our country does not have any existing regulations yet on the proper disposal of tires. Not much information is also provided by its potential danger to the environment.

In Cavite, a couple of facilities have geared up to recycle and reuse worn, old tires. They buy the rubber tires from people who painstakingly collect them all over Luzon.

For Edgar, the daily task of collecting and selling these wastes have been abundantly helpful in supporting his family. Same goes for Rudy, who tirelessly works in the plant which converts rubber to industrial oil.

I-Witness: “Gulong” airs on April 9, 2022, 10:30pm on GMA.#