Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Balik Ilog', dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I- Witness'


I-WITNESS
“BALIK ILOG”
HOST: KARA DAVID
APRIL 2, 2022

 



Sa dokumentaryo niyang “Daang Ilog” noong 2014, unang narating ni Kara David ang Sitio Naswak sa Barangay Lisap, Bongabong, Mindoro Oriental. Dito, nakilala niya ang ilang mga kabataang nagpapaanod ng kalakal sa rumaragasang ilog para maibaba ito ng bundok at maibenta sa bayan.

 

 

Makalipas ang walong taon, hindi pa rin naaabot ng kalsada ang Sitio Naswak. Ang dating nakagawian na pagpapaanod ng kalakal sa ilog, ginagawa pa rin ng mga taga-rito gaya ng dose anyos na si Noel. Sakay ng kanyang salbabida, halos lamunin na si Noel ng malalakas na agos pero hindi niya ito alintana kumita lang ng pantustos sa kanyang pag-aaral.

 


Sa muling pagbabalik ni Kara David sa liblib na sitio, layunin niyang mahanap ang mga batang nakilala niya noon na sina Erwin at Ligawon. Dahil pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho, madalas silang lumiban sa klase. Sa paglipas ng mga taon, naipagpatuloy kaya nina Erwin at Ligawon ang kanilang pag-aaral o nananatili pa rin silang nakalubog sa nakaraan?

 


Panoorin ang pinakabagong dokumentaryo ni Kara David na “Balik Ilog” ngayong Sabado, April 2, 10:30 PM sa GMA 7.

ENGLISH VERSION

It was for her 2014 documentary “Daang Ilog” when Kara David went to Sitio Naswak in Barangay Lisap, Bongabong, Mindoro Oriental. There she met a group of Mangyan children who used makeshift rafts to carry their goods across the river to reach the buyers.

Kara embarks on a journey back to Sitio Naswak in hopes of finding Erwin and Ligawon, the kids she met from before. After all these years, were they able to finish their studies?

Kara also meets 12-year-old Noel whose frail body traverses the raging rapids at a young age. He remains unfazed, because he needs to earn money for school.

Watch Kara David's latest I-Witness documentary, “Balik Ilog” this Saturday, April 2, 10:30 PM on GMA 7.#