Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

“Ang Langaw na Hindi Binubugaw”, dokumentaryo ni Atom Araullo, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


I-WITNESS
“Ang Langaw na Hindi Binubugaw”
Host: Atom Araullo
Airing: March 19, 2022

 


Sa unang tingin, aakalain na sila ang mga langaw na nakikita sa mga bahay, maruruming lugar, at kilalang nagdadala ng mga sakit. Pero hindi sila ang mga pangkaraniwang langaw na nakikita natin araw-araw. Kilala sila sa tawag na black soldier fly o BSF.




Sinasabing nagmula sa bansang South America, lumaganap ang black soldier flies sa iba’t ibang mga bansa na may magandang klima. Sa Pilipinas, unti-unti na ring nakikilala ang mga pakinabang na dala nito.

Sa paggawa ng dokumentaryo, natuklasan ni Atom Araullo at ng kanyang team ang kakayahan ng BSF na makabawas sa mga nabubulok na basura.

Sa tulong ng beterinaryong si Dr. Brahman, ipinakita rin ang iba pang potensyal na pakinabang ng BSF sa ibang hayop at maging sa mga halaman.




Huwag palalampasin ang dokumentaryong “Ang Langaw na Hindi Binubugaw” ngayong Sabado sa I-Witness, March 19, 2022, 10:30pm sa GMA.#

ENGLISH VERSION

At first glance, they seem to be the usual flies that we see in houses, dirty places, and are known to carry diseases. But they are not the common houseflies we see every day. They are known as the black soldier fly or BSF.

Originated from South America, black soldier flies have spread to various countries with temperate climates. In the Philippines, the benefits they bring are gradually being recognized.

In making the documentary, Atom Araullo and his team discovered BSF’s ability to reduce biodegradable waste. With the help of veterinarian Dr. Brahman, other potential benefits of BSF in other animals and even in plants were also demonstrated.

Don't miss the documentary "Ang Langaw na Hindi Binubugaw" this Saturday in I-Witness, March 19, 2022, 10:30 pm on GMA.#