Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Agkulol’, dokumentaryo ni Mariz Umali ngayong Sabado sa ‘I-Witness’


 

 

AGKULOL
Dokumentaryo ni Mariz Umali
Airing: February 19, 2022

 

Ang kulay ay bahagi ng ating buhay. Makikita ito sa kapaligiran lalo na sa kalikasan.

 


 

 


 

Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang tribong Itneg sa lalawigan ng Abra ay nakakuha ng kulay mula sa mga halaman. Ginamit nila itong pangkulay sa kanilang sinulid na panghabi at sa mga tela.

Taong 1950 nang pag-eksperimentuhan ni Luis Agaid Sr. ang paggamit ng iba’t-ibang klase ng dahon upang makalikha ng ibat-ibang kulay.

 


 

 


 

Pumalit ang kanyang anak na si Luis Jr. sa pagpapatuloy ng kanyang sinimulan. Pero sa pagkakataong ito, humingi sya ng tulong sa Department of Science and Technology (DOST) para mapabuti ang kanilang produkto. Gumamit sila ng siyensya upang paghaluin ang nakagisnang tradisyon at modernong paraan na hindi isasakripisyo ag kalidad ng produkto.

 


 

 


 

 


 

May sagradong misyon si Luis na ipakilala ang sining ng Itneg sa buong mundo. Nagsimula siya noong 2017 na i-export ang mga telang Itneg.

 

 

 


 

Panoorin ang dokumentayong AGKULOL (Pagkukulay) sa I-Witness ngayong Sabado kasama si Mariz Umali, Pebrero 19, 2022, 10:30 ng gabi sa GMA.

ENGLISH VERSION:

Colors have been part of our lives.

Because of this accessibility, the indigenous people of Abra incidentally got the idea of getting colors out of plants since the pre-colonial era. The IPs used them as dyes to produce colors for threads and fabrics.

In the 1950s, a man named Luis Agaid, Sr., a member of the Itneg tribe, explored the full potential of each plant in producing a variety of shades and hues.

After his death, his son, Luis Jr., continued his work and applied a more modern technique to the tradition.

With the support of the Department of Science and Technology (DOST), he worked on a sacred mission to introduce the Itneg art to the world. He started exporting in 2017.

Involving the Itneg youth in appreciating their heritage, Luis Jr. teaches them how to combine the traditional and modern method without sacrificing the quality.

Watch I-Witness as Mariz Umali immerses herself in the process that gives colors to the Itneg culture and tradition this Saturday, February 19, 2022, 10:30pm on GMA.