Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Tatlong Dekada', dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


 



TATLONG DEKADA
I-WITNESS KARA DAVID TEAM
JANUARY 8, 2022

Noong 1990, hindi pa laganap ang internet at wala pang social media. Ibang-iba pa ang hitsura ng EDSA. Kaga-graduate lang din noon ni Kara David sa high school. Pero para kay tatay Willy na nakulong noong taong iyon, mistulang tumigil ang mundo sa nakalipas na tatlumpung taon.

 

 

Dahil sa patong-patong na kaso, double life imprisonment ang sentensya kay tatay Willy – na katumbas ng walumpung taong pagkakakulong. Animnapu't apat na taong gulang na siya ngayon, kulubot na ang balat at puti na ang buhok. Pero tumanda man sa loob ng bilibid, hindi raw siya nawalan ng pag-asa. At sa tulong ng Good Conduct and Time Allowance, noong December 17, dumating ang araw na tatlong dekada niyang hinintay - lalaya na si tatay Willy. Pero pangamba niya, napaglipasan na siya ng panahon at nagpatuloy na sa buhay ang kanyang pamilya't mga kaanak.

 

 

Kasabay na lalaya ni tatay Willy si Mang Rogelio – hindi niya tunay na pangalan – na nakulong naman ng dalawampu't anim na taon. Pero makaalis man siya sa madidilim na selda ng bilibid --- nababalot pa rin ng dilim ang mundong kanyang gagalawan sa labas. Dahil sa loob ng mahabang taong pagkakakulong – doon na siya inabot ng pagkabulag.
 

 



Sa paglabas ng bilibid, tunay na nga ba silang malaya? O bihag pa rin ba sila ng kasalanang nagawa at ng kanilang madilim na nakaraan?

Huwag palalampasin ang unang dokumentaryo ni Kara David ngayong taon: “Tatlong Dekada,” Sabado, January 8, 2022, 10:30pm sa GMA.

ENGLISH VERSION

Back in 1990, internet was not available for everyone and there was no social media yet. Kara David just finished high school. But for Willy who got imprisoned on that year, his world stood still that lasted for three decades.

Due to multiple charges, Willy was sentenced to double life imprisonment or eighty years in jail. Now 64 years old – Willy held on to his faith and with the implementation of the Good Conduct and Time Allowance or GCTA, he was finally set free on December 17, 2021. His most awaited moment came, but he feared that his family has already moved on with their lives.

Like Willy, “Rogelio” was also released from jail after 26 years. It was a bittersweet freedom because he lost his vision in the many years he spent in jail.

Watch Kara David's first documentary for 2022: “Tatlong Dekada” this Saturday, January 8, 10:30pm on GMA.#